APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Regine, gusto nang mabuntis
Abu Tilamzik
 

BALAK ni Regine Velasquez na siya mismo ang magluto ng ihahanda niya sa kanyang kaarawan sa Abril 22.

May konting salu-salo siya sa araw na iyun pero hindi raw niya alam kung ano ang balak ng mga malalapit niyang kaibigan, lalo na si Ogie Alcasid na tingin niya ay merong isusorpresa sa kanya.

Ayaw niya ng malaking party. Ang mahalaga, makasama niya ang mga taong malapit sa puso niya.

Nu’ng nakaraang Linggo pagkatapos ng SOP ay tumuloy sina Ogie at Regine sa bahay ng huli sa Ayala Alabang kasama ang buong pamilya ng huli at ang magulang ni Ogie.

Siya ang nag-prepare ng mga kinain nila kaya memorable kay Regine ang araw na iyun.

Isa sa birthday wish ni Regine ay ang magkaroon na siya ng baby. Handang-handa na raw siyang maging mommy ng magiging anak nila ni Ogie.
Magkakaroon ng birthday special si Regine sa GMA 7 kung saan meron siyang concert sa kanyang tahanan, na mapapanood sa Abril 27.

***

Hindi itinanggi ni Dennis Trillo na nakita siya ni Carlene Aguilar na kasama niya si Cristine Reyes.

Hindi raw sila nagkabatian pero civil sila sa isa’t isa.

Gusto mang iwasan ni Dennis ang mga tanong tungkol kay Cristine, wala siyang magawa dahil iyun ang madalas na itinatanong sa kanya nang dumalo siya sa story conference ng sinenobelang Magdusa Ka.

Okay naman daw sila ni Carlene at consistent si Dennis sa pagsasabing magkaibigan lang sila ni Cristine.

Ayaw ng aktor na sagutin ang isyung pagkaka-link ni Cristine kay Willie Revillame. Wala raw siyang karapatang magsalita tungkol sa isyu ni Cristine.

Tinawagan namin si Carlene para makunan ng pahayag tungkol sa pagkikita nila nina Dennis at Cristine sa isang mall, pero hindi na siya nagsalita. Mabuting tahimik na lang daw siya.

***

Kasama ni Vhong Navarro si Desiree del Valle na dumalo sa birthday party ng anak nila ni Bianca Lapus na si Yce nu’ng Abril 13 sa isang restaurant sa Serendra.

Ten years old na ang bata at tanggap daw nito si Desiree bilang bagong kasintahan ng kanyang Daddy.

Okay naman daw kay Bianca ang pagdala ni Vhong kay Desiree dahil meron siyang asawa na nakikita rin ng kanilang anak.

Hindi raw naninibago ang bata na may kani-kanya na silang karelasyon.

“Parang sanay na po si Yce, since bata pa naman siya nu’ng nagkahiwalay kami. I can’t really say na we’re friends, kasi, siyempre medyo masalimuot ang nangyari. Siyempre ano, everybody still wants to have a happy family,” pahayag ni Bianca.

Natutuwa rin si Bianca dahil habang lumalaki ang anak nila ni Vhong, nagiging kamukha na niya, hindi gaya nu’ng maliit pa ang bata na kamukhang-kamukha ng komedyante.

***

Tumatanggi si Assunta de Rossi sa mga project dahil kinakarir niya ngayong taon ang mabuntis.

Gustong magkaanak ni Assunta ngayong taon dahil Year of the Rat na ganu’n din ang sign ni Cong. Jules Ledesma at ng isang anak nito.

“Mag-stop muna ako dahil kailangan kong bigyan ng panahon. Mahirap kasi, kailangan mong timing-an. Hindi pala ganu’n kadali.

“Kung alam ko lang, hindi na sana ako nag-ingat dati pa,” pahayag ni Assunta.
Bukod sa hindi pagtatrabaho, tumigil na sa paninigarilyo ang aktres.

Nahirapan siya nang tumigil, pero buo na raw ang target niyang magka-baby ngayong taon.

***

Ramdam na ramdam namin ang excitement ni Sarah Geronimo nang ilunsad siya bilang bagong endorser ng HerBench nu’ng Martes sa ice skating rink ng SM Mall of Asia.

Dream come true daw sa kanya ang mapabilang sa pamilya ng Bench. Pero hanggang sa mga HerBench lang daw siya pwedeng mag-model dahil hindi pa raw niya kaya ang Bench Body.

Hindi rin masagot ni Sarah ang tanong ng ilang reporter kung okay lang ba sa kanya na rumampang naka-HerBench katabi si Dingdong Dantes na naka-underwear.

Hindi raw niya maisip na kaya niyang gawin dahil hindi pa rin daw siya ready sa ganu’ng na eksena.

Proud na proud din si Mr. Ben Chan sa pagkakuha nila kay Sarah. Dream come true din daw sa kanila ito dahil matagal na nilang nililigawan ang young diva na mag-endorse ng HerBench.

Doon din sa launching ay nilinaw ni Ben Chan ang isyu sa billboard ni Dingdong Dantes.

Madalas daw nilang ginagawa na nagpapalit ng mga billboard ng kanilang model. Kaya itong pagpalit ng billboard ni Dingdong ay wala raw kinalaman sa mga naglalabasang reklamo ng mga moralista.

Marami raw silang magagandang litrato ni Dingdong.

 

Microsoft Internet Explorer 7