APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Wu Chun, gustong bumisita
 

GUSTO ng Taiwanese heartthrob na si Wu Chun na bumisita sa bansa para makapiling ng kanyang fans.

Ang 28 y/o singer-actor ay gumaganap bilang Brian sa Hana Kimi (Taiwanese version) na napapanood kung weekdays pagkatapos ng Naruto sa ABS-CBN.

***

Mapapanood sa Y Speak mamayang 7:30 PM sa Q-11 ang phone interview ni DJ Mo sa Australian blogger na si Brian Gorrell.

Ilalahad ng HIV+ na si Brian ang kanyang saloobin sa unang TV ni Delfin Justiniano ‘DJ’ Montano II kamakailan sa Korina Today ng ABS-CBN News Channel.

Si DJ Montano ang Pinoy ex-lover ni Brian, na sinisingil niya ng AUS $70,000.

***

Ipagdiriwang ng Lips Bar ang ikaanim nitong anibersrayo ngayong gabi sa 152 Aurora Blvd. cor. G. Reyes St., San Juan, MM.

Natatangi ang edisyon ng 3rd weekly elimination ng Tropical Bodies Year 2 mamayang gabi, at may mga surpresa sa mga manonood.

***

Pitong artista ng ahaseryeng Kamandag ang magkakatunggali sa All Star ‘K’ The P1,000,000 Videoke Challenge bukas nang gabi sa GMA 7.

Pasiklaban sina Mark Anthony Fernandez, Maxene Magalona, Ehra Madrigal, Ariel Rivera, Eula Valdez, Sunshine Dizon at Jewel Mische.

Ang hired K!Ller ay si Richard Gutierrez.

***

Sina Kris Aquino at Marian Rivera ang ininterbyu ni Ricky Lo para sa kanyang b-day presentation sa The Ricky Lo Exclusives sa Martes nang gabi sa Q-11.
Ibinahagi ni Kris epekto sa kanya ng miscarriage niya at kung paano niya ito hinarap.

Nagkuwento naman si Marian kaugnay sa bago niyang telefantasyang Dyesebel.

 

Microsoft Internet Explorer 7