| BANGKAY NADISKUBRE SA KAHON; ISA PA ITINAPON SA ZIGZAG ROAD |
| Agnas na at umaalingasaw ang masangsang na amoy nang matagpuan ang bangkay ng isang tao na hindi pa mabatid kung lalaki o babae sa tambak ng basura kahapon ng hapon sa Quezon City. |
| Walang maibigay, katulong bugbog-sarado sa 3 holdaper |
| Pinagtulungang bugbugin ng tatlong holdaper ang isang binatang katulong matapos na wala umano itong maibigay na kahit anong bagay o pera sa mga suspek na nangholdap sa kanya kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. |
| Nagsangla ng depektibong celfone, dinos-por-dos |
| Ospital ang inabot ng isang lalaki matapos itong paghahatawin ng dos-por-dos ng kanyang pinagsanlaan ng depektibong celfone kahapon ng umaga sa Caloocan City. |
| Bata nakitang patay na |
| Isang 12-anyos na batang lalaki na iniulat na nawawala ang natagpuang patay kahapon ng hapon sa La Mesa Dam sa Quezon City. |
| Paslit minolestiya sa kariton |
| Isang barker o taga-tawag ng mga pasahero ang inaresto ng mga barangay tanod matapos magsisigaw ang isang batang babae na limang taong gulang na hinalay umano ng una sa isang kariton kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. |
| Gloria binaterya sa ‘toma’ |
| Sa harap ng ginawang pag-enjoy ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Siargao Island, binaterya ng oposisyon ang umano’y pagtoma nito habang nakararanas ng rice crisis ang bansa. |





