APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Gloria binaterya sa ‘toma’
Rey Marfil
 

Sa harap ng ginawang pag-enjoy ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Siargao Island, binaterya ng oposisyon ang umano’y pagtoma nito habang nakararanas ng rice crisis ang bansa.

Bagama’t may karapatang magsaya si Mrs. Arroyo, hindi maitago ni Senate minority floor leader Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., ang madismaya sa pag-enjoy ng Pangulo sa Siargao Island matapos makunan itong umano’y tumotoma.

Sa litratong lumabas sa isang pahayagan, nakaupo si Mrs. Arroyo sa lamesa kung saan naka-display sa harapan ang basong naglalaman ng alak, katabi ang isang bote ng beer.

Bagama’t hindi malinaw kung umiinom ng beer si Mrs. Arroyo nang makunan ng larawan sa Pansukian Resort sa General Luna, Siargao Island, kinuwestyon ni Pimentel ang masamang imaheng ipinakita nito sa mamamayan lalo pa’t mahaba ang pila sa pagbili ng NFA rice at wala ring maipambili ang mga mahihirap.

Aniya, nakakalungkot isiping mahiyain si Mrs. Arroyo sa mga walang hiya subalit napaka-brutal ang mga kinikilos sa harap ng mga inosenteng mamamayan at walang kibo sa mga ginagawang kabulastugan sa pamahalaan.

“Ang priority ni GMA, porma not substance. Kaya bibisita sa mga lugar kung saan walang kibo ang mga tao sapagkat mahiyain sa harap ng mga walang hiya,” ani Pimentel.

 

Microsoft Internet Explorer 7