Isang 12-anyos na batang lalaki na iniulat na nawawala ang natagpuang patay kahapon ng hapon sa La Mesa Dam sa Quezon City.
Sa ulat ng Lagro Police Station 5 ng QC Police District, nabatid na ini-report kamakalawa na nawawala ang bata na kinilalang si Ryan James Caranza, estudyante ng Open Space Hilltop sa Lagro, Quezon City.
Bandang alas-dos kahapon ng hapon natagpuan ang bata sa La Mesa Dam.
Ayon sa pulisya, posibleng naligo umano ang biktima na nag-iisa sa naturang dam at nalunod kaya walang makapagsabi kung saan ito nagtungo hanggang sa ini-report na nawawala kamakalawa.
|