APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Nagsangla ng depektibong celfone, dinos-por-dos
Lily Reyes
 

Ospital ang inabot ng isang lalaki matapos itong paghahatawin ng dos-por-dos ng kanyang pinagsanlaan ng depek­tibong celfone kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng mga tinamong hataw ng dos-por-dos sa ulo at katawan ang biktimang si Crisostomo Bugala, ng Block 3, Talimusak Alley, Kaunlaran Village, Caloocan City.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Christian Gilbuena, nasa hustong gulang, ng Tamban St., Kaunlaran Village at ang kasama nitong kinilalang si Raffy Mendoza.

Nabatid sa imbestigasyon na bandang alas-nuwebe ng umaga pinuntahan umano ng mga suspek ang biktima sa bahay nito dahil depektibo ang isinanlang celfone ni Bugala kay Gilbuena.

Nagkaroon umano ng pagtatalo hanggang sa pinagtulungang hatawin ng dos-por-dos ng mga suspek ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang insidente samantalang agad namang dinala ang biktima sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center bago inilipat sa JRMMC.

 

Microsoft Internet Explorer 7