APRIL 19, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
BANGKAY NADISKUBRE SA KAHON; ISA PA ITINAPON SA ZIGZAG ROAD
Lily Reyes/Irwin Corpuz
 

Agnas na at umaali­ngasaw ang masangsang na amoy nang matagpuan ang bangkay ng isang tao na hindi pa mabatid kung lalaki o babae sa tambak ng basura kahapon ng hapon sa Quezon City.

Sa natanggap na tawag sa telepono ng Lagro Police Station 5 ng QC Police District, pasado alas-kuwatro kahapon ng hapon nang matagpuan ang natu­rang bangkay na nakasilid sa isang kahon sa tambak na basura sa Geneva Garden Ext., Olympian Preparatory School na nasa Pasong Putik, ng nasabing lungsod.

Hawak ni PO3 Regalado Adriatico ng Pasay City Police ang baril na nakumpiska kay Rolando Luco, 29-anyos at residente ng Imus, Cavite, habang iniimbestigahan ito sa loob ng presinto matapos masita sa Roxas Boulevard, Baclaran at mahulihan ng kalibre .22. Sa pagsisiyasat, nadiskubreng may kinakaharap na kasong murder si Luco sa lalawigan ng Samar. (Rusty Roman)

Ayon umano sa tawag sa telepono, sinusunog ng isang lalaki ang tambak na basura sa nasabing lugar ng malanghap nito ang umaalingasaw na amoy mula sa isang malaking kahon na itinapon doon.

Agad umanong inusisa ng nasabing lalaki ang kahon at nang buksan ito tumambad sa kanya ang bangkay ng isang tao na nakabalot sa plastic. Tinangka pa sana umanong buksan ng lalaki ang plastic subalit hindi na nito makayanan ang masangsang na amoy ng naaagnas na bangkay.

Hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin mabatid kung babae o lalaki ang natagpuang bangkay.

Samantala, isa namang lalaki na may tama ng bala ng baril sa ulo at pinaniniwalaang biktima ng salvaging ang natagpuang nakahandusay sa zigzag road malapit sa boundary ng Quezon City at Rodriguez, Rizal kahapon ng umaga.
Inilarawan ang biktima na tinatayang nasa 30-40 taong gulang, katamtaman ang pangangatawan, nasa 5’6”-5’8” ang taas, naka-short pants na maong at puting t-shirt.

Nakita na lang umano ng ilang mga residente malapit sa zigzag road ng Bgy. San Jose, Rodriguez ang bangkay ng biktima na nakataob, patalikod na tinalian ng masking tape ang mga kamay at may tama ng bala sa ulo.

Naniniwala ang pulis­ya na pinatay sa ibang lugar ang biktima at may indikasyon din umano na dumanas ito ng matinding pahirap bago pinaslang at itinapon sa naturang lugar.

 

Microsoft Internet Explorer 7