DRAGONS SINUWAG

DL Hoya, feeling bagets sa training

Ganadong Habour team, sasabak na sa Whoppers

'Cavs, puwede sa no. 2

Yao, kontra HIV at AIDS 

Concierto sa Cainta

Heritage Cup ngayon sa Araneta


SPORTS UPDATE

Bagong patakaran sa pag-iinterview


Habang sinusulat natin ito ay lamang ng halos 25 ang Talk ‘N Text laban sa Sta. Lucia, kaya nakakatamad tapusin ang laro. Walang thrill.

Nakakaaliw lang panoorin yaong nagtsi-cheer kay Nelbert Omolon ng SLR kung saan pawang mga mapuputing tao ang sumusuporta sa kanya. Sosyal si Omolon, sa tingin namin ang Amerikano at Amerikana na nagsisipag-cheer sa kanya ay kaibigan ng kanyang Kanang syota at kasamahan sa church nila.

Kasalukuyang nasa Tate ang nobya ng player, at by December na umano ang balik nito sa ‘Pinas. Mukhang susundan ni Omolon ang syota kasi parang ramdam namin na miss na niya agad ito.

***

Ano naman kaya ang gimik ng RP squad? Ang siste, may dalawang players na member ng RP ang gusto sana naming interviewhin sa Radyo PBA kagabi. Nagulat kami sa sinabi ng isang player na mayroon na daw media day, meaning may araw ang pag-iinterview ngayon sa mga manlalaro ng RP quintet. Ganun!

Take note, every Monday lamang ang tanungan blues kung sakali. Gusto man ng dalawang players na paunlakan kami, ang problema ramdam at feel namin na may takot ang dalawang basketbolista. Baka raw kung ano ang isagot nila at malagot sa sinumang nagbaba ng memo sa RP team.

Walang personalan, trabaho lang ang ginagawa natin. Ano ba ‘yan, nakarating lang sa Amerika ang RP squad nakakuha na agad sila ng idea para sa ‘media-media day’ Feeling ba nila ganun na sila kasikat sa buong mundo at dadayuhin sila ng iba’t ibang panig ng reporters sa mundo.

Ang alam ko lang naman na pinagkaka-interesan na puntahan, para dayuhin na kapayanamin ay ang mga manlalaro at coaches sa NBA.

Pero kung sa atin, ano ba ‘yan hindi na puwedeng ambush interview. Buti sana kung nakaka-istorbo sa practice eh hindi naman. Dapat ba scripted ang bawat isasagot ng mga members ng RP team?

Hindi namin alam kung matatawa kami, o maiinis sa naturang memo.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top