|
DL Hoya, feeling bagets sa training Ganadong Habour team, sasabak na sa Whoppers Heritage Cup ngayon sa Araneta
|
SPORTS
UPDATE
Yao, kontra HIV at AIDS BEIJING (AP) --- Sumama si NBA star Yao Ming sa isang kampanya upang labanan ang masamang epekto na dala ng HIV at AIDS sa China sa pagtatampok sa kanya sa posters kasama ang ilang personalidad buhat sa AIDS-affected communities. Sa mga posters na may mensaheng: "HIV/AIDS will not affect our friendship," ang 7-foot 6-inch China-born Houston Rockets player ay makikita na nakatayo kasama ang isang grupo ng mga bata at pumipirma ng autographs. Umaapira rin sa ‘We Are Friends’ campaign si Chinese film star at anti-AIDS spokesman Pu Cunxin, ayon sa United Nations Development Program statement. Ang HIV ay tumuntong sa China bunga ng labis na mali at ‘di akmang blood transfusions sa mga ospital at mga maling hakbang sa pagbebenta ng blood plasma kung saan kinokolekta sa hindi malinis na pamamaraan. Matapos itanggi na hindi problema ang AIDS, mabilis at naalarma ang Chinese leaders sa mga nakalipas na taon sa tahasan at bukas na paglaban sa naturang sakit, pangako ng anonymous testing, free treatment para sa mga mahihirap at pag-ban sa diskriminasyon laban sa mga taong may virus. "We trust this campaign will help disseminate our common stand for positive action, care and full integration of people living with HIV and AIDS in our global society," salaysay sa isang statement ni Alessandra Tisot, UNDP senior deputy resident representative sa China. Ang kampanya ay kinabibilangan ng pamamahagi ng mahigit sa 200,000 na posters sa buong China, isang mini-documentary, ang pag-develop ng resource kit at iba pang proyekto kontra AIDS virus. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
||||
|
|