DRAGONS SINUWAG

DL Hoya, feeling bagets sa training

Ganadong Habour team, sasabak na sa Whoppers

'Cavs, puwede sa no. 2

Yao, kontra HIV at AIDS 

Concierto sa Cainta

Heritage Cup ngayon sa Araneta


Inbound


 

 

SPORTS UPDATE

Cavs, puwede sa no. 2


PHILADELPHIA (AP) --- Puwede nang mag-text si LeBron James ng ‘good luck’ sa kanyang kaibigan at New Jersey Nets part-owner na si Jay-Z.

Tiyak mamanmanan ni James ang mga scoreboard sa season finale, kung saan habang sinisikap na buhatin sa isa na namang tagumpay ang Cleveland ay ipagdadasal ding manalo ang Nets upang mapanatiling buhay ang pag-asa ng Cavs sa no. 2 seed.

"We’ve got to take care of business on our home court," ani James. "We’ll be rooting for the Nets." 

Umiskor si Larry Hughes ng 22 puntos at natatak si James ng 18 upang iangat ang Cavs sa 98-92 win kontra Philadelphia 76ers noong Martes. Ito’y nagbigay-daan sa posibilidad na maging no. 2 seed ang Cleveland.

Aakyat sa no. 2 ang Cavs sakaling talunin nila ang Milwaukee sa Miyerkules at gapiin naman ng New Jersey ang Chicago Bulls sa parehong araw. Kung ganito rin kainit ang laro nila, tiyak mapapasakamay ng Nets ang kanilang second seed at krusyal na puwesto sa playoffs.

"Milwaukee is not going to lie down for us," ani Cavs mentor Mike Brown. "It’s going to be a tough game at home and we have to come in with the right mind frame to get a win."

Tinawag ni Brown na ‘kritikal’ ang pagiging no. 2 seed dahil na rin sa bangis ng laro ng Bulls sa mga nakaraang araw kung saan sakay ang Chicago ng three-game winning streak at nanalo ng walo sa huling sampu.

Habang siguradong mas gusto ng Cavs ang no. 2 position kaysa ikalima sa playoffs, handa ang Cleveland kahit sino at kahit gaano karaming laro sa postseason.

"We’re real confident. We believe we can beat anyone no matter who we match up against," aniya. "We’ve got guys in the inside and outside. Defensively, we’re one of the best teams in the NBA, so that’s not a problem."

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top