DRAGONS SINUWAG

DL Hoya, feeling bagets sa training

Ganadong Habour team, sasabak na sa Whoppers

'Cavs, puwede sa no. 2

Yao, kontra HIV at AIDS 

Concierto sa Cainta

Heritage Cup ngayon sa Araneta


Inbound


 

 

SPORTS UPDATE

Ganadong Harbour, team sasabak na sa Whoppers

(Ace Pasco)


Sa target na maagang liderato ng Burger King ngayon sa PBL Unity Cup sa Olivarez Sports Center, target din nila na abutin ang langit.

Bakit kanyo?

Kaharap ng Whoppers ang defending champion Harbour Centre na hindi lang magsisimula ng kampanya tungo sa puntiryang ikatlong sunod na kampeonato, mataas na mataas din ang morale ng Mikee Romero-owned franchise dahil sariwa pa sa pagiging hari sa SEABA Champions Cup kamakailan.

Maghaharap ang Burger King at Harbour sa ganap na alas-kuwatro ng hapon, pagkatapos ng bakbakang Toyota kontra Dazz sa alas-dos.

Namayani ang Whoppers sa opening game assignment laban sa Henkel-Sista kamakalawa, 85-72, salamat sa tig-21 puntos nina JR Quinahan at Ronjay Buenafe.

Pero kalaban ang Batang Pier, higit sa higanteng produksyon ang kailangan ng Burger King mula sa dalawa. Kalaban ang powerhouse team na lalo pang lumakas sa offseason sa pagdagdag nina PBL Silver Cup MVP Jason Castro, UAAP Finals MVP Jojo Duncil at center Beau Belga, pambihirang team play at sangkatutak na suwerte ang kakailanganin ng tropa ni Whoppers mentor Lawrence Chongson para malagpasan ang Harbour at makuha ang ikalawang sunod na tagumpay.

Ang tanging maaaring katigan ni Chongson ang pag-asa na baka pagod pa ang hukbo ni Harbour coach Jorge Gallent galing sa Silver Cup championship sweep para sa back-to-back PBL title sa Hapee na sinundan ng SEABA Champions Cup campaign at diretso ngayon sa Unity Cup.

Subalit tiwala si Gallent na handa sila.

"Subok na sa tatag ang mga batang iyan, so I’m confident they will deliver the goods," ani Gallent. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top