DRAGONS SINUWAG

DL Hoya, feeling bagets sa training

Ganadong Habour team, sasabak na sa Whoppers

'Cavs, puwede sa no. 2

Yao, kontra HIV at AIDS 

Concierto sa Cainta

Heritage Cup ngayon sa Araneta


Inbound


 

 

SPORTS UPDATE

DL Hoya, feeling bagets sa training


Ipinagbigay-alam ni Oscar "Golden Boy" Dela Hoya sa local TV network ABS-CBN habang nasa kasagsagan ng kanyang ensayo para sa nalalapit na blockbuster match kontra Floyd Mayweather Jr. na para bang natagpuan niya ang "fountain of youth" sa ilalim ng pagsasanay ni trainer Freddie Roach.

Pag-aari ng naturang broadcast station ang exclusive rights upang isaere ang ‘Cinco De Mayo’ sa Pilipinas kung saan sasabak ang dalawang undefeated Pinoy fighters na sina Rey "Boom Boom" Bautista at Alex ‘Bazooka’ Banal sa undercard.

"I feel great. I feel like twenty years old. I feel wonderful. How I wish I had this kind of training way back in my career. I would have remained undefeated," ang sabi ni Dela Hoya.

Para sa pakikipagsuntukan kay Mayweather, espesyal na niyaya ni Dela Hoya sina Bautista at Banal bilang running partners sa pagdya-jogging, isang signal ng kanyang dedikasyon na makipagsabayan sa mas sariwa at batang mga tuhod.

Ang May 5 event na binansagang ‘The World Awaits’ ay sumira na nang lahat ng gate records sa Las Vegas at puntirya nitong maging highest-grossing 

pay-per-view event sa kasaysayan ng isport.

Sinabing na-sold out na lahat ng tickets sa event tatlong oras lang matapos itong ibukas sa publiko. Libu-libong media applications ang tinanggap din ng organizers para i-cover ang event.

 

 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top