|
DL Hoya, feeling bagets sa training Ganadong Habour team, sasabak na sa Whoppers Heritage Cup ngayon sa Araneta
|
SPORTS
UPDATE
DRAGONS SINUWAG Ni Ramil Cruz Tulad sa unang sigwada ng eliminasyon, nagliliyab na itinaas ng Red Bull ang panimulang kampanya sa second round sa pagtoro sa Welcoat Paints, 100-71, at siluin ang solong liderato uli sa 2007 Talk ‘N Text PBA Fiesta Conference. Maliban sa free throw at second chance points na napasakamay ng WP at pagtabla nito sa blocks sa 7-all, kinopo na lahat ng RB ang iba’t iba pang game departments sa pagbabanderang handa talaga nilang idepensa ang korona sa season-ending tournament. Umungos na nga ang starting unit nito sa puntusan, 36-34, milyang sapaw pa ang ginawa ng bench sa 64-37 count. Kinatampukan ang dominasyon ng R’Bull sa 3-point field goals, 45% (9 of 20)-14.3% (2 of 14); 2-pt FGs. 43.5% (30 of 69)-36-8% (25 of 68); rebounds, 58-54; assists, 23-14; at iba pa tungo sa 8-2 card at tulak sa Dragons sa huli sa 2-7. "I think we have a good arrangement. Gumaganda, nagkakakumpiyansa ako. Inaalalayan niya ako. He allows me to make a decision, sa timeout sa pasok ng tao, etc.," sambit kagabi sa Big Dome ni interim coach Gee Abanilla sa pagkredito rin kay head coach Yeng Guiao na nasa sidelines sa pag-iwas sa kontrobersya sa pagtakbo uli sa pulitika. Sa unang anim na minuto lang ng first quarter nasa digmaan ang Dragons sa 10-8 lead nito bago rumagasa ang Barakos na dumambuhala sa 37 ang idinistansya, 85-49, mula sa dalawang FT shot ni Junthy Valenzuela, namayagpag sa scoring na 19 points, 9:51 sa final canto. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|