Billy Balbastro

Abu Tilamzik

Allan Diones  


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Kapatid ni Borgy, mas charming at mas mabait


Marriage has done TJ (for Thomas Jr) Manotoc a lot of good. At 30, he’s better-looking, flawless ang complexion at mas charming.

Mas mabait at open siya sa media. Marami kaming pinagkuwentuhan, mula sa kanyang marriage to Ria Chipeco ng Calamba (Laguna) hanggang sa kanyang two-year-old girl, si Michaela at kanyang stepson, si Ian, 11 whom he wants to adopt. At siyempre, pati na ang half-brother niyang si Borgy.

Nasa presscon kami ni Nike Summer League 2007, kung saan partner ang ABS-CBN. Walong linggo ang labanan sa basketball ng 74 school teams. Mapapanood ito sa Studio 23.

Si TJ ang host ng presscon last Tuesday na dinaluhan ng maraming sportswriters. Pagdating ng open forum, mahaba ang tanungan.

Hindi namin nalimutan na entertainment wri-ter kami. Nang may nagtanong kay TJ tungkol kay Borgy, "your controversial brother", hindi nawalan ng poise ang ever-smiling TJ.

"Mamaya, babalikan natin iyan," sabi niya. At tinupad niya ang pangako niya dahil umupo siya la-ter sa mesa.

Siya ang nag-volunteer ng info na married na siya. Hindi maiiwasan na hindi pag-uusapan si Borgy at ang latest na gulo nito sa Embassy Bar kamakailan.

Sinabi ni TJ na close siya sa mga kapatid niya kahit half-brothers lang niya ang mga ito. Noong nasa Singapore pa ang mga ito, once or twice a year, nagbabakasyon sila roon to see the family. He has a nice relationship with Imee Marcos and her boys.

Nang umuwi sina Borgy rito, for a while ay tumira ang tatlong magkakapatid sa kanya, actually sa condo ng father niya where he stayed noon.

"Sa pagkaalam ko, they have this Monday group at Embassy, those who are interested in ol-dies, iyong mga lumang plaka. There’s some artistic side kay Borgy lalo na nang tumagal siya sa New York," kuwento ni TJ.

Incidentally, nasa Studio 23 pa rin si Brogy with the show It’s A Guy Thing.

Ayon kay TJ, hindi pa nila napagkukuwentuhan ni Borgy ang latest na gulo na ito. "I will always be here for him," sabi niya.

***

Sa set ng Silip sa Bongabong, Nueva Ecija nag-celebrate ng kanyang birthday si Diana Zubiri last Sunday. Wor-king day ito para sa kay Diana.

Naiinip na kasi si Direk Joel Lamangan. Gusto na niyang tapusin ang principal photography ng pelikulang ito ng Seiko. Kasama rin dito sina Polo Ravales at Francine Prieto.

The next day (Lunes, Abril 16), nag-last shoo-ting day na sila. Malamang na ipalabas ang Silip nang late May or early June.

***

Isang torero ang papel ni Alfred Vargas sa Magpakailanman ni Mel Tiangco sa GMA mamayang gabi, sa episode na pinamagatang ‘Buhay sa Kahihiya’t Laman’.

Hindi bago si Alfred sa sexy roles pero para sa kanya, isang challenging role ang pagiging Roland de Vera.

Pambihira ang kuwento nina Ronald at Ellaine de Vera, mag-asawa na pumasok sa pagtotoro para sa kanilang anak na nasa bingit ng kamatayan.

Nagli-live sex show sila para maisalba ang buhay ng anak.

Si Katrina Halili ang gumanap bilang Allaine. Kasama rin sa cast sina Bacci, Paolo Serrano at McMiel Dennison.

***

Nangungumbida ang UST Publishing House, IndieSine at Independent Filmmakers Cooprative sa book launching ni Julianito ‘Boy’ Villasana ng kanyang librong Expose: Peryodismong Pampelikula sa Pilipinas (Movie Reporting in the Philippines) sa Robinsons Galleria Cinema 8, Ortigas, 4:00-6:00 PM today.

***

ONE-LINER: Accept it -- the decision to love is a decision to sacrifice.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top