|
|
ENTERTAINMENT
BING NA-OFFEND KAY GLADYS tiningan ng Startalk
ng reaksyon si Bing Loyzaga tungkol sa interview ni Gladys Guevarra na
lumabas sa S-Files noong Linggo. Nilinaw ni Bing na hindi reaksyon ang sasabihin niya tungkol sa isyu nina Gladys at Janno Gibbs. Gusto lang niyang magsalita para sa kanyang mga anak. "Matagal na kasing patay iyung isyu. Bakit binubuhay na naman?" simula ni Bing na aba-la sa pagpu-promote sa bagong teleserye ng GMA 7 na Sinasamba Kita. "Natatanong na kasi ang mga bata, at apektado sila. Sinagot na ‘yan noon ni Janno, sina-got ko na rin at sa totoo lang, last year pa ‘yan, eh! Bakit nagsalita na naman? Wala namang isyu, ah?! "Iyung sinasabi
niyang na-offend siya, na-offend din ako para sa mga anak ko. Syempre,
ang suporta ko, kay Janno rin. "May communication naman, eh. Hndi na kailangang magpa-interview pa. "Kung na-offend siya sa punchlines na iyun, na-offend din ako sa mga sinasabi niya sa interview," mahinahong pahayag ni Bing. "Hindi naman si Janno lang ang kalaban niya rito, dahil kahit paano, asawa ko ang tao, may mga anak kami, involved ako." Dati raw ay nagti-text sa kanya si Gladys at maayos daw ang komunikasyon nila. Ang buong akala niya ay tapos na ang isyu. Nagulat na lang si Bing nang biglang may narinig na naman siya kay Gladys sa matagal nang isyung iyan. Sana raw ay tapos na talaga at wala nang sabihin pa uli si Gladys. Ang inaalala ni Bing ay ang kanyang mga anak na naiintindihan na raw ang mga nangyayari. Nilinaw rin ni Bing sa Startalk na wala nang dapat asahang annulment. "Definitely, walang annulment. Walang abu-gado kaming kakausapin para sa annulment," deretsahang pahayag ni Bing. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay maganda raw ang relasyon nila ni Janno at ayaw pa niyang sabihing sa balikan ang ending nito. *** Mukhang sinasaniban na ng tiyanak ang bagong project ng Regal na Tiyanak na pagbibidahan ni Jennylyn Mercado. Biglang naisip nilang isali si Mark Herras kasama si Patrick Garcia, kaya tumanggi ang una. Nu’ng Martes nang gabi ay tumawag si Roselle Monteverde kay Manay Lolit Solis. Tuloy na raw si Mark sa Tiyanak dahil hindi na raw isasali si Patrick. Ilang oras lang ang nakaraan, nakatanggap kami ng text message ga-ling sa isang malapit kay Mark na hindi na raw ito kasali dahil pinalitan na siya ni Jake Cuenca. Hindi raw tinanggal si Patrick. Si Mark ang tinanggal. Malinaw ang tawag ni Roselle kay Manay Lolit na si Mark ang piniling iwan sa cast at si Patrick na ang papalitan. Si Alfred Vargas pa ang sina-suggest ni Manay Lolit. Nagulat kami nang biglang out na pala si Mark. Natawa na lang ang ilang taga-Regal nang tinanong namin kung bakit si Mark na ang natanggal at naiwan si Patrick. Hindi apektado si Mark sa pagkakatanggal sa kanya, dahil hindi niya hiningi ang pro-ject na ito. *** Hindi yata masak-yan ng mga manonood ang pagka-high end ng Rounin kaya bumaba ang rating nito sa pa-ngalawang gabi. Narito ang overnight ratings ng mga programa ng GMA 7 at ABS-CBN 2 noong MARTES (Abril 17): SiS 11.9% vs. Homeboy 10.4%; My Strange Family 13% vs. Game Ka Na Ba 19.7%; Eat Bulaga 21.3% vs. Wowowee 20.9%; Daisy Siete 18.3% vs. Inocente De Ti 14.2%; Muli 14.1% at Princess Charming 14.8% vs. Kapamilya Cinema 13%; Full House 14.3% vs. Pangako sa ‘Yo 7.7%; Gokusen 17.6% vs. Sineserye 14.7%; 24 Oras 26.9% vs. TV Patrol World 23.7%; Asian Treasures 35.9% vs. Maria Flordeluna 21.1% at Rounin 19.7%; Super Twins 34.6% vs. Sana Maulit Muli 23.7%; Lupin 34.4% vs. Maging Sino Ka Man 23%; Jumong 25.7% vs. Pinoy Big Brother 21.6%; Bahay Mo Ba ‘To 13.2% vs. Bandila 11.7%. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|