Billy Balbastro

Abu Tilamzik

Allan Diones


Pralala Et Cetera

Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Mother, may bagong ka-loveteam 


Kung si Joey Marquez ang tatanungin ay isang mabilis na "Bakit hindi?" ang sagot nito kung posibleng magkadebelopan sila ni Jean Garcia nga-yong magkasama sila sa bagong sitcom ng GMA na Who’s Your Daddy Now?

Na-link noon ang da-lawa at madalas mapagkikitang nagdi-date, pero naudlot ang pagiging close nila at tila ngayon lang ulit madudugtungan.

Si Jean ay aminadong ‘tigang’ pa rin at walang lovelife ngayon, kaya ang reaksyon niya sa posibleng pagkakamabutihan ulit nila ni Joey ay, "Tingnan natin! Mahirap magsalita nang tapos, mareh! Dati kasi, we’re better off as barkada lang eh, pero hindi mo pa rin masasabi, ‘di ba?"

Regular silang magkikita dahil sa nasabing sitcom at hindi malayong maging extra-close lalo na kung magiging flirty-flirty sila sa set…

"Why not? Game naman ako riyan, eh! Ha! Ha! Ha! Pwede siguro, pero alam namin ni Joey na parehong #1 priority namin ang mga anak namin. Sumusunod lang doon ‘yung love-love na ‘yan at friends.

"Kung tanggap namin pareho na ganu’n ang sitwasyon namin, why not, ‘di ba? So, tingnan natin, mareh!" natatawang bulalas ni Jean.

Parehong 17-anyos na ang panganay ni Jean na si Jennica (anak niya sa da-ting aktor na si Jigo Garcia) at ang binatilyo ni Joey na si Yeoj (anak nito kay Alma Moreno), kaya naglolokohan sina Jean at Joey na ipagmi-meet nila ang mga anak nila at ima-match sa isa’t isa.

Humingi si Joey ng picture ni Jennica para ibigay nito kay Yeoj, na ikina-excite ni Jean.

Pretty si Jennica na malapit na ring mag-artista. Kinuha ito ng GMA at mukhang isasali sa bagong soap opera ni Sunshine Dizon na Impostora kung saan kasali rin si Jean.

Ngayon pa lang ay tila lumalabas na ang pagka-‘stage mother’ ni Jean at panay ang lambing nito sa mga kaharap na press na tulungan ang kanyang dalaga ‘pag nag-showbiz na ito. Ang manager ni Jean na si Direk Manny Valera rin ang magma-manage kay Jennica.

***

Tahimik ang selebrasyon ni Richard Gomez ng kanyang ika-41 kaa-rawan nu’ng Abril 7.

Kuwento sa amin ng butihing maybahay niyang si Ms. Lucy Torres-Gomez, nasa isang resort sila sa Cagayan Valley nu’ng araw na ‘yon.

Nataong Black Saturday ang birthday ni Goma kaya walang kampanya. Ani Ms. Lucy, masaya si Goma that day dahil nag-fishing ito at maraming nahuling isda.

Sa Abril 28 ay ipagdiriwang ng mag-asawa ang kanilang 9th anniversary.

"Most probably, nasa campaign trail kami on that day. Ang buhay talaga eh, hindi pare-pareho. Kaya you have to embrace and celebrate whatever stage you’re in. Kasi, hindi mo alam, next year pala iba na ang takbo," nakangiting pakli ni Ms. Lucy.

Ang unica hija nilang si Juliana ay wala pang kamalayan tungkol sa mga nagaganap sa pali-gid pero more or less ay may big picture ito ng kung anong pinagkakaabalahan ngayon ng kanyang ama.

"Sinasabi palagi ni Juliana, ‘You’re campaigning again, daddy? You’re going to shake hands with people again, daddy? How many days, daddy? Are you gonna go Goma for Senator again, daddy?" natatawang tsika ng misis ni Goma.

Thankful si Ms. Lucy at feeling blessed na ne-ver silang nagkaroon ng anumang hindi magandang karanasan sa pag-iikot nila sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.

Natutuwa umano siya sa mga babaeng tumitili sa kanyang asawa pero mas natutuwa siya sa mga lalake na tinatawag ng ‘Idol’ at ‘Bossing’ si Goma at sa mga lola o matatanda na niyayakap at hinahalik-halikan si Goma na parang apo nila ito.

Aminado si Ms. Lucy na hindi normal ang takbo ng buhay nila ngayon dahil sa pangangampanya na palagi silang puyat at kulang sa tulog at pahinga. Pero pinasok daw nila ang bagay na ito kaya dapat nilang tapusin.

Maraming beses na rin siyang nagkakasakit pero hindi siya nagre-reklamo. Hindi siya nakakasama sa lahat ng campaign sorties ni Richard dahil may mga trabaho rin siya pero tuwing pwede siya ay sumasama siya.

"Siguro, what really makes me go through the hardest of days is knowing na sa May 15 eh, matatapos din lahat ito. Hindi naman ito panghabambuhay.

"So, that’s always been my attitude. Palagi kong iniisip na lahat ito, lilipas din. Hindi siya madali, kasi nga independiyente si Richard at walang makinarya, pero wala namang hindi kaya. Dasal lang talaga at sipag," sambit pa ng madasaling maybahay ni Goma.

***

Sa mga presscon na inisponsor ni Mother Lily Monteverde para sa mga sinusuportahan niyang kandidato sa Senado, first time sa presscon ni Senate President Manny Villar na pagpasok ng kandidato sa Imperial Palace mezzanine ay may live na kumakanta sa harapan ng kanyang campaign jingle, kaya feeling namin ay nasa campaign rally kami.

Pag-entra ni Sen. Villar, on cue ay bumanat ang K and the Boxers ng Manny Villar theme song to the tune of Sasakyan Kita, na very catchy at ang lakas ng recall.

Inusisa ng entertainment press si Sen. Manny kung sino ang nag-choreograph ng kanyang ‘famous’ dance movement sa kanyang TV ad.

Aniya, ginaya lang niya ‘yung sayaw ng isang bata na kasama sa nasabing commercial at kapag pinaulit ito sa kanya ay hindi na niya ka-yang gawin.

Kabilang sa showbiz supporters ni G. Villar sina Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Tessie Tomas at Rio Locsin na suportado ang kanyang women’s advocacy.

Itinanggi niya ‘yung tsismis na bahay at lupa ang kapalit ng pag-eendorsong ‘yon sa kanya nina Angel at Jennylyn.

Ani Tita Lolit Solis na nakakaalam sa negosasyon, hindi nagpaba-yad ang nabanggit na mga artista at ginawa nila ‘yon dahil sa pagmamahal nila kay Sen. Villar.

"My new loveteam!" ang introduction ni Mo-ther Lily kay Sen. Villar. At kung ito raw ang ‘ST King’ ay siya naman ang ‘ST Queen’ dahil pareho nilang narating ang kinalalagyan nila nga-yon dahil sa ‘ST’ o sipag at tiyaga.

Umani ng malakas na palakpakan si Sen. Villar nang buong ningning niyang ideklara na ang mga kandidato ng oposisyon ang magwawagi sa dara-ting na halalan.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top