|
'Rock The Cove' concert sa Sabado
|
ENTERTAINMENT
'Rock The Cove' concert sa Sabado Ang mga natural disasters tulad ng tsunami, forest fires, at El Niño ay nakakasira ng pamumuhay ng mga tao sa buong mundo. Sa tulong nina Roy Alvarez, Chin Chin Gutierrez, Angel Aquino, at Gary Granada, malalaman ng mga manonood kung paano ito mapipigilan sa Moms mamayang 5:30 PM sa QTV 11. *** Gaganapin ang concert na Rock The Cove sa Sabado (Abril 21) nang 5:00 PM sa Island Cove, Kawit, Cavite. Tutugtog dito ang mga bandang Cog, Dead Old Poets, Grey Houndz, Kiko Machine, Maskuman, The Dose, Mayonnaise, Queso, Slapshock, Slurpee, Soap Dish, The Wuds, Plane Divides The Sky, Balatek, Spow, Ironmic at Sin. Ang tiket ay P150. Ang concert na ito ay
handog ng ELPI Management Ventures Galore, Inc. sa pakikipagtulungan Major sponsors ang Island Cove, Cavite Cable Corp., Globe Broadband, Coca Cola, Zen Tea, Aquasoft Purified Drinking Water, Aficionado Perfume, Lucky Pizza & Earbender Studio. Para sa mga detalye, tumawag sa tel.# 046-434-0210, 046-434-2154, 521-1062, 521-3918, cell# 0920-457-8646, 0916-309-3652. *** Ipalalabas ang pelikulang Tulad ng Dati sa SM Cinemas ng bansa simula Abril 25. Ang Tulad ng Dati ay semi-biographical movie ng rock band The Dawn. Binigyan ng Cinema Evaluation Board ng Grade B (65% tax rebate) ang pelikula dahil sa "excellent direction and well-written script." Ani CEB Chairperson Christine Dayrit, "Para sa isang Pinoy rock film, kahanga-hanga ang Tulad ng Dati sa kanyang katapatan." |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|