|
Ang pitak na ito ay bukas at handang magpayo sa problemado ninyong puso. Isulat lamang at ipadala ang inyong mga liham sa Abante TONITE c/o Tita Nora, 3rd Floor, BF Condominium Bldg., Solana cor. A. Soriano Sts., Intramuros, Manila.
|
PUBLIC
SERVICE
Parang nauubusan ng lalaki Dear Tita Nora, Medyo magulo ang utak ko ngayon. 'Yung babae kasing dating iniiwasan ko ay hinanap-hanap ko ngayon. Noong una ay deadma ako sa kanya. Nagpahalata kasi siyang may gusto siya sa akin. Dahil doon ay lagi na siyang tinutukso sa akin. Kilig na kilig siya, asar na asar naman ako. Sa inis ko sa kanya ay pinahiya ko siya. Nasabihan ko yatang 'parang nauubusan ng lalaki.' Mula noon, para siyang bulang nawala. Hindi na siya nagpapa-pansin. Hindi na lumalapit at nagbibiro sa akin. Hindi na rin nagti-text. Kung kelan siya nawala, hinahanap ko naman. Ngayon ko lang naisip na mabait pala siya kung ikukumpara sa ibang babae. May gayuma kaya siya kaya lagi kong naiisip?
Rod
Dear Rod, Hindi ko direktang masasagot ang tanong mo. Unang una’y di naman tayo sigurado kung ginayuma ka nga niya at kung totoo nga ba ito? Pero base sa paglalahad mo’y hindi mo nga siya masisisi kung lumayo man ang loob niya o tuluyan nang umiwas sa iyo. Kahit kasi mahal na mahal ka ng isang tao kung wala ka namang pagpapahalaga sa kanya bukod pa sa hinahamak mo ang pagkatao niya’y hindi malayong kumupas din ang nararamdaman niya. Kung tutuusi’y tama lang ang ginawa niya. Salamat at natauhan na siya at naging eye-opener din sa iyo. Timbangin mong mabuti ang sitwasyon, Rod. Hindi kaya mahal mo pala siya? Kung gusto mong magkaroon ng peace of mind ay gumawa ka ng paraan para makahingi ng tawad sa kanya. Hindi ka man niya mapatawad o hindi mo na maibabalik pa ang dating pagtingin niya, at least man lang ay aminado kang nagkasala ka sa kanya. Good luck and God bless you.
Love, Tita Nora |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|