|
Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes at sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes. Sulatan siya sa TONITE o paki-email siya sa doktoraholmes@ yahoo. com Ikinalulungkot niya na hindi niya kayo masagot nang personal.
|
PUBLIC
SERVICE
Solusyon sa maniac depression (Part 2) Dear doctora holmes (shortened version of last Thursday’s letter) Meron po akong Swiss bf. We’re getting 2 yrs this coming August. He’s almost 28 and I’m almost 29. Doc, i want to share my problems about our relationship. I need ur help. Meron po kasi siyang manic-depressive disorder. Isa na un job-failures niya, may job siya ngayon pero ‘di siya happy, he is always on a job search but he failed labis niya itong dinidibdib, kaya ‘un iba niya problema nag-aabot-abot, lagi ko siyang chini-cheer up pero it doesn’t help much, gusto niya solohin ito, gusto niya mapag-isa, sabi ko nga sa kaniya i-open niya sa akin, inu-open niya naman pero hindi lahat, naaapektuhan na ‘un relationship namin doc, lalo na LDR (long distance-relationship) kami gusto ko siyang tulungan, pero sa paanong paraan? pls doc help me with my problem ‘di ko na po alam gagawin ko...RINA Dear RINA: Maraming salamat sa iyong sulat na inumpisahan nating sagutin noong nakaraang Huwebes, ika-14 ng Abril. Noong huling kolum noong nakaraang Martes (ika 17 ng Abril), ang ikatlong dahilan kung bakit mas mahirap makisama kapag "up" (manic o hypomanic) ang partner nila kaysa kapag depressed ay dahil hindi ordinaryong kalungkutan at kasiyahan ang ating pinapag-usapan. Ang manic depression ay isang sakit. Kapag ikaw ay may sakit ng depression, sobra ang feelings mo ng unworthiness, ng pagkawalang karapatan maging masaya, na hindi ka kasing galing sa maraming tao. Dahil dito, at kahit na minsan gustong mag-isa lang ang mga clinically depressed, kadalasan, ok na ok sa kanila na may nagsusupporta sa kanila, na may nag aalalay sa kanila. Nakakapagod para sa partner, kagaya mo, pero at least, ok sa kanila na nandiyan ka. Kapag manic naman sila, iba na ang kuwento: Ang akala nila sila ang bida at may alam sa lahat. Masyado silang friendly sa lahat ng tao, ginagastusan, atbp. Hindi nila tatanggapin na may sakit sila kaya hindi sila nakikinig kahit kanino. At maiinis lang sila (minsan sumisigaw, minsan nananakit) kung ikaw, bilang partner, ay sisikaping pigilan sila. Mas mahirap ang mania/hypomania para sa mga partners ng may manic depression dahil doon sila gumagastos ng napakalaki, nangangaliwa atbp. Kahit na alam ng partner na bahagi ito ng sakit na tinatawag ng bipolar disorder (o manic depression), super sakit pa rin masaktan. Wala na bang solusyon rito, kung bahagi ito ng sakit ng manic depression at walang gamut na nakakatanggal nito? Mayroon. At iyan ang umpisa ng good news: Una, kailangang tanggapin ng tao na siya ay may sakit. Ganyan ang nakikita ko sa bf mo, RINA, dahil siya pa nga ang umamin sa iyo na mayroon siya nito, ‘di ba? Ikalawa, kailangang tanggapin rin nila ang mga payo ng doctor nila. Hindi naman blind acceptance na pagkatanggap (na parang bata sila at kahit anong sabihin ng doctor gagawin nila). Pag-uusapan nilang dalawa-ang doctor at ang pasyente-ano ang pinaka-maigi para sa kaniya. At kung ikaw ay maging asawa niya, sana kasali ka rin sa usapan nila. KAILANGANG kasama ka sa usapan nila, kung hindi, super hirap ang mararanasan mo. Pero, kung oo naman, malaki ang probabilidad na magiging super saya rin kayo. TO BE CONTINUED APRIL 23, 2007 |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|