|
PACQUIAO GAGAMITIN LANG NG PALASYO Pulse Asia, SWS bangungot ng TU P5-B irrigation fund scam aabot kay Gloria
|
TOP
STORIES
Party-list inaabuso (Bernard Taguinod) Mistulang inaabuso na ng iba’t ibang organisasyon ang party-list law dahil sa patuloy na pagtanggi ng mga itong ilantad ang kanilang mga nominee sa Kongreso. Ito ang pahayag ni reelectionist Sen. Joker Arroyo kaugnay sa patuloy na pagbabalewala ng mga party-list group sa panawagan ng publiko na ipakilala ang kanilang mga nominee. Ayon kay Arroyo, karapatan ng taumbayan na malaman kung sino ang mga nominee sa bawat party-list group upang mabistahan kung sinu-sino ang nasa likod ng kanilang organisasyon. Mahalaga, aniyang, makilatis ng mga botante ang mga nominee subalit ang patuloy na pagtangging ilantad ang kanilang mga pangalan ay indikasyon ng pag-abuso sa naturang batas. Ipinaliwanag ng senador na madaling bumuo ng party-list group at kumandidato sa Kongreso subalit importanteng malaman ng mga tao kung may magandang track record ang mga ito upang maging batayan kung nararapat sila o hindi na maging kongresista. "Hindi lang ‘yung gagawa ka ng party-list organization para lang makakapangandidato ka as a party-list. Hindi naman maganda ‘yon. May track record dapat ‘yung mga nominee dun sa cause ng mga party-list. Kung hindi, maaabuso ‘yan," ani Arroyo. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|