PACQUIAO GAGAMITIN LANG NG PALASYO

Pulse Asia, SWS bangungot ng TU

P5-B irrigation fund scam aabot kay Gloria

Party-list inaabuso


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

P5-B irrigation fund scam aabot kay Gloria

(Rey Marfil)


BAMBAN, Tarlac --- Ito ang naging pagbubunyag ni opposition reelectionist Senator Panfilo "Ping" Lacson kaugnay sa P5-bilyong irrigation scam na pinaniniwalaang kinopya ng Malacañang sa pagkaka-divert ng fertilizer fund noong 2004 national election.

Bagama’t ayaw pangunahan ni Lacson kung ano ang final tally at ending ng ‘irrigation scandal’ kapag nasimulan ang imbestigasyon sa pagpasok ng 14th Congress, hindi inalis ng opposition senator ang senaryong aabot ito sa lamesa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Lacson, isa sa nangungunang kandidato ng Genuine Opposition (GO), kapag umabot sa lamesa ni Mrs. Arroyo ang mala-part two ng fertilizer scandal, partikular ang posibleng pagka-divert ng P5-bilyong irrigation fund bilang campaign fund ngayong eleksyon, mananagot ang Pangulo kahit matapos ang kanyang termino.

"The evidence would suggest later na kung may kinalaman ang Presidente, she should also be answerable. Of course meron siyang immunity but then there’s always a day of reckoning," ani Lacson.

Sa ngayon, hawak ni Lacson ang malaking bulto ng ebidensiya sa nangyaring distribusyon ng P5-bilyong irrigation fund, sa pamamagitan ni dating National Irrigation Authority (NIA) General Manager Arturo Lomibao, dating hepe ng Philippine National Police (PNP). Napag-alamang inutang pa ng gobyerno sa pamamagitan ng bond proceeds ang naturang pondo. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top