PACQUIAO GAGAMITIN LANG NG PALASYO

Pulse Asia, SWS bangungot ng TU

P5-B irrigation fund scam aabot kay Gloria

Party-list inaabuso


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Pulse Asia, SWS bangungot ng TU

(Bernard Taguinod)


Mistulang bangungot sa Team Unity ang mga survey firm sa bansa partikular na ang nangungunang Social Weather Station (SWS) at Pulse Asia dahil sa patuloy na paghihirap ng kanilang mga kandidato na makapasok sa magic 12 sa senatorial slate.

Lalong nanggigil ang TU sa SWS nang ilabas nito ang resulta ng kanilang survey na nagpapakitang walang "command votes" at hindi nagpapadikta sa mga local leaders ang mga botante.

Base sa survey ng SWS, 80% sa mga botante ay hindi sumusunod sa dikta ng mga local leaders habang maliit na 19% lamang umano ang nagpapadikta.

Lumabas din sa survey na walang maituturing na command votes sa Metro Manila at Luzon habang malala naman ang diktahan ng boto sa Mindanao at ilang bahagi ng Visayas region.

"Pollsters, social scientists, political leaders and business people alike have also raised fears that the work of the SWS, allegedly done based on leading questions and skewed methodology, has been designed to create a bandwagon effect for the GO candidates, instead merely taking an unbiased feel of voters sentiment," anang TU sa pamamagitan ng kanilang deputy spokesman na si Tonypet Albano.

Ang command votes ay isa sa ipinagmamalaki ng TU para mawalis ang 12 upuan sa Senado sa Mayo kung saan umaasa sila na ang ididikta ng mga local leaders ang iboboto ng mga tao. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top