|
PACQUIAO GAGAMITIN LANG NG PALASYO Pulse Asia, SWS bangungot ng TU P5-B irrigation fund scam aabot kay Gloria
|
TOP
STORIES
PACQUIAO GAGAMITIN LANG NG PALASYO Nina Bernard Taguinod at Rey Marfil Gagamitin lang pangdepensa ng Malacañang partikular na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si People’s Champ Manny Pacquiao sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kaya ito kinumbinsing tumakbo. Ito ang komento ni dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman ukol sa pagtakbo ni Pacquiao sa Kongreso. Ayon kay Soliman, isa sa convenor ng Black & White Movement, hindi ang kanyang mga constituents ang pagsisilbihan ni Pacquiao sakaling manalo ito laban kay South Cotabato Rep. Darlene Antonino-Custodio, kundi si Arroyo. Ito rin ang dahilan kaya inilagay ng Black & White Movement sa unahan ng kanilang listahan ng mga taong hindi dapat iboto ang pangalan ni Pacquiao kahit muli itong nakapag-uwi ng karangalan sa bansa matapos talunin si Jorge Solis ng Mexico. "Kaya namin siya inilagay sa una dahil alam naman natin na gagamitin lamang siya ng mga nakaupo sa Malacañang para pang-defense. Anong gagawin niya sa Kongreso?" ani Soliman. Bagama’t karapatan umano ni Pacquiao na tumakbo kahit katatapos lamang nito sa High School nang bigyan ng Department of Education (DepEd) ng special exam, hindi pa rin umano ito pruweba na maaari nang makipagsabayan ang boksingero sa mga kongresista sa larangan ng debate. Sa halip, posibleng ang maging papel ni Pacquiao sa Kamara ay ang dagdagan ang botong hindi pabor na ma-impeach si Pangulong Arroyo. "Dagdag na boto din siya kapag nanalo siya at kapag natuloy ang third impeachment. Iyan (impeachment) na lang kasi ang very peaceful means para malaman natin ang katotohanan," ani Soliman. Hindi umaasa ang dating pinagkakatiwalaang Gabinete ni Arroyo na babaliktad si Pacquiao laban kay Pangulong Arroyo lalo na’t matatag ang relasyon nito sa asawa ng Pangulo na si First Gentleman Mike Arroyo. Samantala, sa pagkakabasura ng Korte Suprema sa liderato ni outgoing Manila City Mayor Lito Atienza bilang pangulo ng Liberal Party (LP), tuluyang na-knockout si Pacquiao bilang miyembro ng partido sa ilalim ng pagtitimon ni Sen. Franklin Drilon. Ayon kay Drilon, kinilalang pangulo ng Liberal Party (LP) ng Korte Suprema, walang puwang sa kanilang organisasyon si Pacquiao lalo pa’t kaalyado ng Genuine Opposition (GO) ang katunggali nitong si Custodio. Hindi lamang simpleng pagka-knockout (KO) ang ibinigay ng kampo ni Drilon kay Pacquiao kundi kaagad itong na-disqualify bilang miyembro ng LP kahit mag-apply pa umano ang boksingero ngayong idineklarang illegal ang kontrata ni Atienza bilang pangulo ng partido. Hindi maaaring pumasok sa LP si Pacquiao, ayon kay Drilon, dahil maaapektuhan ang alyansa ng kanilang partido sa Genuine Opposition, kinabibilangan ng Nacionalista Party (NP), Nacionalist Peoples Coalition (NPC), Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) at iba pang organisasyon. "Magkakaroon ng conflict kahit na pumasok sa amin si Pacquiao kasi nasa GO si Darlene. Kalaban kasi siya sa GenSan ni Darlene, hindi naman yata maganda tingnan iyon," ani Drilon sa TONITE. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||||
|
|