|
|
LEISURE
HIGPITAN LANG ANG IYONG KAPIT Magda-20 taon nang kaibigan namin ang cartoonist/illustrator na si ROMY BUEN (cell# 0921-300-8546). Nakilala namin siya noong Oktubre 1987 ng nagtrabaho kami bilang editor ng defunct magazine na Jingle Extra Hot. Nang maging kolumnista kami ng Abante at Abante TONITE, tinulungan kami noon ni Romy Buen para mainterbyu ang bokalista (Ely Buendia) ng sumisikat pa lamang noong banda na Eraserheads. ‘Hinatak’ namin kapagkuwan si Romy para mag-drawing sa entertainment pages ng Abante TONITE. Naging ‘classmate’ namin si Romy sa Quiapo. Tinuruan niya kami ng paggamit ng flashdrive, at ng basics sa Adobe Photoshop. Madalas siya sa bahay namin, at sa tuwi-tuwina’y nire-‘raid’ niya ang aming ref at hapag-kainan upang may maipasalubong siyang ulam sa kanyang ina. Nang mamatay ang Noong Biyernes (Abril 13) ay pumanaw ang ina ni Romy na si Gng. Consisa Diana E. Buen, at nakaburol ang labi nito sa #455 Lt. Artiaga St., San Juan, MM. Sa Sabado ililibing ang ina ni Romy. Napangiti si Romy nang biruin namin noong isang gabi na hindi na siya pwedeng mag-uwi ng ulam mula sa aming bahay dahil wala na ang kanyang ina. Muli, ang aming pakiusap… HUWAG PO NINYONG SERYOSOHIN ang mga kabulastugang natitipon sa pitak na ito. Jokes lang po, walang personalan. *** Isang gabi, naglalakad si Mark sa Balete Drive. May narinig siya, "MARK! MARK!" Lumingon siya. Walang tao. "MARK! MARK!" Tumakbo siya. Pagdating sa kanto, nakita ni Mark ang isang babala, "BEWARE: NGONGONG ASO!" [0917-979-1034] *** Mahilig ka bang mag-karaoke? KANTA NA! "Huwag kang bibitiw, bakla! Huwag kang bibitiw, bakla! "Higpitan lang ang iyong kapit, maglalayag patungong langit "Huwag kang bibitiw, bakla! Ipikit ang iyong mga mata "Higpitan mo lang ang iyong kapit, maglalayag patungong langit" REPEAT FROM THE TOP [Jonathan] *** Kapag K ka nang K, lalaki ang T mo, hindi kakasya sa P, kaya mag-J ka na lang! Gets mo? UULITIN KO! Kapag kain ka nang kain, lalaki ang tiyan mo, hindi kakasya sa pants, kaya mag-jogging ka na lang! [Arman Reyes] *** Pinoy Talasalitaan KALMOT: haplos ng nasasarapan DAKMA: hawak ng sobra sa pagnanasa DAHAS: pwersang pakiusap sa maarteng kausap GAHASA: romansang walang ligawan BATI: pagroromansa sa sarili sa pamamagitan ng kamay MAHAL: damdaming nakabubuntis O: sarap na pinipigil-pigil OOH: sarap na hindi mapigil-pigil OOOOHHH: sarap na sarap na hindi papipigil HA HA HA HA: tawa ng manyakis na nagbabasa [0920-512-1085] *** CLUMSY. Do you want to know about clumsy? What is CLUMSY? CLUMSY is actually… the maasim that you put on the pancit. [KIM, 0916-471-8605] *** Juan… John… Juan… John… May kiliti ako diyan… Juan… John… Basta relax ka lang May kiliti ako diyan… Ay! Yayayayyyy!!! Juan… John… [Jid 26, 0917-379-3515] *** "Ikaw ang buhay ko!" SUS! Luma na ‘yan! "Ikamamatay ko kapag nawala ka!" LETSE! Gasgas na ‘yan! Lahat na lang, laos na! Ang bago raw ngayon: "Sex tayo, walang malisya… payag ka?" [KIM] *** Quote for the day: "Ang buhay ay parang ako… MASARAP!" [Lance 16] *** Sabi nila, ang driver daw ang hari ng kalsada. Humaharurot, lusot nang lusot. Halos lumipad na sa kalsada, mahabol lang ang boundary niya. Pero kung sila man ang hari ng kalsada, reyna naman ako sa iyong kama. Ang husay kong mag-drive, di ba? [Margz, 0910-824-2873] *** Saan ba matatapos ang pagkakaibigan? Kapag iniwan ka na? Kapag nawala na ang tiwala mo sa kanya, o kapag pinagnasaan mo na siya? Sa init ba ng katawan, uso pa ang kai-kaibigan? [Margz] |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|