Top Stories

Crime Stories


 

HULAAN BLUES

Senatoriable pumilantik ang daliri sa proclamation 

(Rey Marfil)


Katulad ng kasabihang ‘hindi mababago ang kinalakihan’, hindi maitago ng isang matandang senatoriable ang kakaibang kasarian matapos pumilantik ang mga dalawang kamay sa proclamation rally na isinagawa ng kanilang organisasyon.

Simula pagkabata hanggang magbinata at mag-asawa, nakitaan ng kakaibang kilos ang matandang senatoriable kung saan lalo pang lumalala nang pumasok sa pulitika dahil nahumaling sa katawan ng mga kabataang kalalakihan.

Ngayong nagkakaedad, tuluyang iniladlad ng matandang senatoriable ang kakaibang kasarian, pinakahuli ang pagpilantik ng mga daliri sa proclamation rally habang itinataas ang magkabilang kamay ng mga kasamahan sa organisasyon.

Pinakamatinding eksenang nasaksihan ng TONITE Spy ang litrato ng matandang senatoriable na ginamit sa campaign poster o materials na ngayo’y nagkalat sa buong kapuluan, kasama ang isang kilalang lider ng bansa.

Sa campaign poster ng matandang senatoriable na nakadikit sa lahat ng common poster area, hindi maiwasang matawa ng mga naglipanang kurimaw matapos madiskubreng pumilantik ang mga daliri ng kumag, animo’y kinukumpirma lamang ang pagiging miyembro ng third sex.

Habang hawak ng isang kilalang lider ng bansa ang dalawang kamay ng matandang senatoriable, kapansin-pansing nakausli, as in pumilantik ang mga daliri ng kandidato taliwas sa nakagisnang nakakuyom ang mga palad nito.

Kung nakakuyom ang lahat ng kandidatong nagpapaendorso sa sinumang lider o kilalang personalidad, nakalaylay ang magkabilang kamay ng matandang senatoriable at nakaangat ang tig-dalawang daliri, animo’y kasing-lambot ng mamon ang pagkakahawak sa katabi nito.

Sa lahat ng campaign sorties, hindi rin itinago ng matandang senatoriable ang pagkahilig sa mga guwapong staff, patunay ang pagbibit ng mga kalalakihan na nagsisilbing bodyguard, as in bawal sa kanyang opisina ang mga pangit at balahura ang porma.

Clue: May asawa at anak ang matandang senatoriable subalit matagal nang hiniwalayan ng kanyang misis bago pa man pumasok sa pulitika. Ito’y nagmula sa kilalang angkan ng mga pulitika at nagbabalak bumalikwas sa pagkatalo noong 2004 election. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top