Editorial

Spy on the Job

For the record


 

EDITORIAL

May sariling desisyon 


Base sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) isa lamang sa kada limang botante ang nagpapadala sa tinatawag na command votes.

Ang command vote ay pagboto sa kahit na sino mang sabihin ng mga lider pulitikal.

Masasabi mang survey lamang ang nasabing resulta subalit para sa amin mahalaga ang bagay na ito para sa bawat mamamayang Filipino lalo’t higit sa mga botante.

Ito rin ay isang indikasyon na ang bawat botante sa ating bansa ay may kani-kanyang desisyon, hindi kayang puwersahin at hindi nagpapadala sa dikta ng pamilya at maging ng sinumang lider pulitikal.

Sabagay may pruweba na ang survey na ito ng SWS dahil sa mga nakalipas na eleksyon hindi nagagawang i-solid o kopoin ng iisang partido ang panalo kadalasang may halo na mula sa ibang partido.

Hindi ba’t ang mga nahahalal na senador ay hindi mula sa iisang partido? Ganoon din ang lagay sa mga local na posisyon.

Para sa amin, dapat lamang na panatilihin at ipagpatuloy ang ganitong pananaw ng mga botante.

Tama lamang naman na magkaroon ng sariling desisyon ang sinuman pagdating sa pagboto ng gusto mong kandidato at hindi papadikta kaninuman.

Sapagkat ang pagboto ng na ayon sa iyong puso at isipan ay isa sa natitira nating karapatan bilang mga Filipino at marapat lamang na pahalagahan natin ito.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top