MOTORSIKLO SUMABOG: DRIVER NAGUTAY, BATA NADAMAY

Tsuper kinatay ng operator

Gimik ng barkada, nauwi sa trahedya, 2 nalunod

Mataderong senglot pumatay

Nadale pa ng 'Salisi'

Sumuko sa hirap, lolo nagbigti

Broker kinana ng motorsiklo gang

Mag-amang supporter ng gobernatorial bet, pinatay


Top Stories

Hulaan Blues  


 

CRIME STORIES
Tigmak ng dugo ang bangkay ng jeepney driver na si Joseph Taruc matapos makipagtalo sa dating operator nitong si Armando Torres sa Capulong St., Tondo, Maynila kagabi. (Devery Alegata)

MOTORSIKLO SUMABOG: DRIVER NAGUTAY, BATA NADAMAY

(Al Jacinto)


ZAMBOANGA CITY --- Isa katao ang namatay matapos na sumabog ang sinasakyang motorsiklo nito sa lungsod ng Cotabato sa lalawigan ng Maguindanao kagabi.

Sinabi ng pulisya na naganap ang pagsabog dakong alas-6.30 ng gabi ‘di kalayuan sa Happy Homes subdivision. Isang bata rin ang sugatan dahil sa tama ng shrapnel.

Hinihinalang bomba ang dala ng motorsiklo ng ito’y biglang sumambulat. Halos nagkagutay-gutay naman ang katawan ng di-kilalang may-ari ng motorsiklo.

"Hindi pa namin alam ang naganap, maliban lamang na isang motorsiklo ang biglang sumabog at patay ang may-ari nito. Hinihintay pa namin ang buong ulat ukol dito mula sa aming imbestigador na nasa labas pa," ani PO2 Jose Dimaano sa panayam ng Tonite.

Agad naman naglagay ng mga roadblocks at checkpoints ang pulisya sa Cotabato kasunod ng pagsabog.

Ayon sa mga nasa lugar ay wasak-wasak diumano ang bangkay ng driver at ng motorsiklo nito dahil sa lakas ng pagsabog. Maging ang mga kabahayan sa lugar ay nayanig rin.

Malaki ang hinala ng pulisya na ang driver ng motorsiklo ay posibleng bomber at sumabog ang dala nitong bomba ng wala sa oras.

Hindi naman mabatid kung sino ang target ng bomba o kung may koneksyon sa Abu Sayyaf at Jemaah Islamiya o sa Moro National Liberation Front ang nasawi.

Patuloy kasi ang opensiba ng militar kontra sa tatlong grupo sa lalawigan ng Sulu na kung saan ay mahigit sa 20 sundalo at rebeldeng ang napatay mula pa nuong nakaraang linggo.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top