APRIL 17, 2013 WEDNESDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
APRIL 16, 2013
As of 2:00 pm
U. States 41.3300
Bahrain Dinar 109.632
Can Dollar 40.4221
Euro 54.0639
Aus Dollar 42.9012
HK Dollar 5.32530
Japan Yen 0.423561
Saudi Riyal 11.0222
S’pore Dollar 33.4192
Taiwan Dollar 1.38362
UAE Dirham 11.2543
UK Pound 63.3002
 
Custom Search
Mystica, ikinasal sa 23 y/o na alaga
GORGY RULA

 

IKINASAL si Mystica sa kanyang 23 y/o boyfriend na si Edwin Nuas kamakalawa nang hapon sa isang function room sa Great Eastern Hotel sa Quezon City.

Ang civil wedding ay dinaluhan ng pamilya at mga malalapit na kaibigan ni Mystica at ng lalaki.

Sabi ng ilang kaibigan ni Mystica, tumulong sila sa pag-asikaso ng kasal dahil biglaan daw ito. Pero sa tingin namin, mukhang hindi naman dahil halos kumpleto silang lahat mula sa imbitasyon hanggang sa paghahanda at giveaways.

Wala lang silang wedding ring na isinuot sa seremonya nito. Ikinasal sila ng sa isang huwes at sa pastor ng Seventh-Day Adventist kung saan meron silang seremonyang Lighting of the Unity Candle at Mixing of the Unity Sand.

Sa Exchange of Vows ay hindi napigilan ni Mystica na maiyak, habang tahimik lang ang lalaking nagpakasal sa kanya.

Sabi ni Mystica, kaya nila napagdesisyunang magpakasal, gusto nilang patunayan sa lahat kung gaano katotoo ang kanilang pagmamahalan.  

     
Kabi-kabila raw kasi ang nanlalait sa kanila at kumukuwestiyon sa kanilang relasyon.

Minamaliit daw ang pakikipagrelasyon ng boyfriend niya na dati nitong talent.

Sabi ni Mystica, "Kahit 45 years old na ako at mas matanda pa sa kanya ang anak ko, gusto ko lang i-prove sa lahat na totoo ang pagmamahalan namin at kaya niyang pa­nindigan ang pagmamahal niya sa akin!"

Nabaitan si Edwin kay Mystica at hindi niya nakita 'yun sa ibang babaeng nakarelasyon niya kaya niya ito pinakasalan. "Ayoko kasi sa kasing-edad ko o mas bata sa akin. Gusto ko, 'yung matured sa akin na kaya akong alagaan.

"Nakita ko naman mabait talaga siya sa akin at inaalagaan niya ako, kaya ko siya pinakasalan," pahayag ni Edwin.

Nagsimula ang relasyon ng dalawa nang kinuhang talent ni Mystica itong si Edwin at pinag-produce niya ng isang indie film na may pamagat na Kerido.

Binigyan niya ito ng screen name na Kid Lopez, pero napakabait daw sa kanya nitong talent niya hanggang sa nahulog ang loob niya.

Nag-live in sila nu'ng September 2012 at napagdesisyunan nilang magpakasal na dahil nakikita niyang karapat-dapat na maging asawa itong si Edwin.

Sabi pa ni Mystica, hindi na kailangang magtrabaho pa ni Edwin.

"Siya na lang ang hahawak ng pera ko. Mula nu'n, siya na ang humahawak ng pera ko, kasi, hindi ko makontrol ang paggastos. Nako-control niya ako," masayang pahayag ng kontrobersyal na singer.

Dahil sa pagpapakasal niya kay Edwin, malaki raw ang nabago sa kanya. Hindi na raw siya 'yung dating Mystica na mahilig sa kontrobersya.

Tahimik na raw siya bilang Mrs. Ruby Villanueva-Nuas.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION