APRIL 17, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  Lakers dinomena ang West
 

LOS ANGELES (AP) --- Nahirapan man sa ginawang paghahabol sa standings, sulit naman ang hirap ng Los Angeles Lakers, nang hablutin ang Western Conference title, matapos ilampaso ang Sacramento Kings, 124-101.

Tumapos ng 22 points si Pau Gasol at nagdagdag ng 20 si leading MVP candidate Bryant tungo sa pagsikwat sa no. 1 seed sa West at home-court advantage sa kabuuan ng playoffs.

Sisimulan ng tropa ni coach Phil Jackson ang kampanya sa playoffs nitong weekend at maaaring isa sa Denver o Dallas ang una nilang makakaharap sa best-of-seven.

Kapag natalo ang Denver sa Memphis at tinalo rin ng no. 2 seed New Orleans ang Dallas, Nuggets ang unang asignatura ng Lakers. Kung mananalo ang Hornets, pantay sila sa record ng Lakers (57-25) pero hawak ng Los Angeles ang tiebreaker dahil sa mas magandang conference record.

“Whoever we face, we’re going to have our hands full,” puna ni Bryant, dahil alam niyang matindi ang kumpetisyon sa West. “No matter who you match up with in the West, it’s going to be tough.”

Tumikada ng 9-of-11 si Gasol bago pinagpahinga may 2:38 pa sa third period. Sinundan siya sa bench ni Bryant na tumapos lang ng 3-of-13 sa field pero 13-of-14 sa foul line.

Nagdagdag si Lamar Odom ng 15 points at 12 rebounds, may 14 points si Vladimir Radmanovic, 13 kay Jordan Farmar, at 10 points, six assists mula kay Ronny Turiaf para sa Lakers.

Mga reserves na ang ipinasok ni Jackson sa fourth.

Nanguna naman si Quincy Douby sa Kings sa career-high niyang 32 points. May 22 si Beno Udrih, 15 kay Francisco Garcia, at may 12 points si Shelden Williams na dinagdagan pa ng season-high 11 rebounds.

Sinimulan ng Lakers ang season sa 9-8 record, at na-injure pa ang sentro nilang si Andrew Bynum at back-up forward Trevor Ariza. Bumalikwas ng 22-5 win-loss record ang Lakers matapos kunin mula Memphis ang 7-footer na si Gasol.

Mas gumanda rin ang inilalaro ngayon kumpara noong nakaraang season nina reserves Farmar, Turiaf, at Sasha Vujacic.

 


Microsoft Internet Explorer 7