APRIL 17, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  Batang Pier hihirit pa
 

Mga Laro ngayon:

(The Arena, San Juan City)
2:00 p.m. --- Noosa Shoes vs Burger King
4:00 p.m. --- Harbour Centre vs San Mig Coffee

Pagkaraang hablutin ang puwesto sa automatic semifinals, target naman ng Harbour Centre na matiyak ang pagtangan sa primerang posisyon kontra San Mig Coffee, samantalang krusyal na magtutuos ang Burger King at Noosa Shoes sa 2008 Philippine Basketball League Lipovitan Amino Sports Cup second round eliminations sa The Arena sa San Juan City ngayon.

Magtatapat ang naghahangad ng limang sunod na kampeonatong Batang Pier at Coffee Kings sa alas-kuwatro ng hapon habang maggigirian sa alas-dos ang Shoe stars at Whoopers.

Sa pagdale ng Harbour ng rekord na ika-10 dikit na panalo sa parehong dami ng sabak, isang 99-92 pagpapatirik sa Toyota Otis kamakalawa, nasakote nito ang unang semis berth sa season-ending tournament.

At kung mapapanatili ng Batang Pier ang pagiging No. 1 team sa pagrolyo ng double-round elims, may pagkakataong mamili ito kung sino sa dalawang quarterfinal winners ang makakasalubong sa best-of-five semifinal series.

 


Microsoft Internet Explorer 7