Sumailalim noong Martes si Tiger Woods ng arthroscopic surgery sa kanang tuhod para kumpunihin ang cartilage damage, pangalawa niyang operasyon sa tuhod sa loob ng limang taon at inaasahang liliban sa aksyon ng may isang buwan para magpagaling.
Ang operasyon na inianunsyo sa kanyang website, dalawang araw makaraang tumapos siyang iwan sa tatlong tira sa likod ni Trevor Immelman sa US Masters.
Malamang na wala siya sa The Players Championship, subalit magbabalik para makahambalos sa US Open sa Torey Pines umpisa sa Hunyo 12.
“I made the decision to deal with the pain and schedule the surgery after the Masters,” bigkas ni Woods.
Isasagawa ang operasyon sa Park City, Utah ni Thomas Rosenberg, na umopera sa kaliwang tuhod ni Woods noong Disyembre 2002. Naoperahan na rin si Woods noong 1994 sa kaliwang tuhod para alisin naman ang benign tumor.
|