APRIL 17, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
SPORTS NEWS


  ‘Kadaugan sa Mactan’ Manny as Lapu-Lapu, Jinkee bilang Bulakna
 

Kakaibang Manny Pacquiao ang matutunghayan sa Abril 27 sa Cebu.
Mula sa imbitasyon nina Cebu Mayor Tomas Osmeña at Lapu-Lapu City Mayor Arturo Radaza, gagampanan ng world boxing champion ang papel ng bayaning si Lapu-Lapu, sa gaganaping pagsasadula bilang paggunita sa taunang “Kadaugan sa Mactan”.

Sa kanyang pitak na “Kumbinasyon”, inilahad ni Pacquiao ang papel na kanyang gagampanan, habang ang natoka namang gumanap bilang asawa ni Lapu-Lapu ay walang iba kundi ang asawa ni Pacquiao na si Jinkee.

“Gagampanan ko rin ang role ni Lapu-Lapu sa pagsasabuhay muli ng “Kadaugan sa Mactan” sa Abril 27. Ang aking pinakamamahal na asawang si Jinkee ang gaganap bilang Bulakna, ang asawa ni Lapu-Lapu,” banggit ng Filipino ring idol.

“Taos-puso kong tinanggap ang role na ito ni Lapu-Lapu at isang karangalan ito para sa aking pamilya. Gaya ng pagkakawagi ni Lapu-Lapu laban sa mananakop, ako rin po ay magbubuwis ng buhay kung kinakailangan para hadlangan ang sinumang magtatangkang sakupin o dungisan ang bandila ng Pilipinas at ang dangal ng Pilipino,” dagdag pa ni Pacquiao.

Ang “Kadaugan sa Mactan” ay selebrasyon bilang pagsariwa sa ginawang pakikipaglaban at pagtatanggol ni Lapu-Lapu sa kanyang bayan sa kamay ni Ferdinand Magellan.

 


Microsoft Internet Explorer 7