STANDINGS
TEAMS W L
Sta. Lucia 3 0
Coca-Cola 3 1
Red Bull 3 1
Purefoods 2 2
Magnolia 2 2
Air21 2 2
Talk ‘N Text 2 2
Alaska 2 2
Ginebra 0 3
Welcoat 0 4
Mga laro bukas:
4:50 p.m.-Sta. Lucia Realty vs Talk ‘N Text
7:20 p.m.-Coca-Cola vs Barangay Ginebra
Magarang binuksan ng Red Bull ang panibagong kabanata ng prangkisa na wala na ang pinakahuling itinuturing na lider na si Junthy Valenzuela.
Humugot ng mabangis na laro kina Cyrus Baguio at Rich Alvarez sa endgame para suklian ang steady game ni Adam Parada, bumangon mula sa third quarter 15-point deficit ang Red Bull para bulagain ang Purefoods TJ Hotdogs, 98-96, sa pagkumpleto sa makataob-bangkong mga aksyon sa 2008 Smart Philippine Basketball Association Fiesta Conference kagabi.
“Before the game, we talk to the players and to Red Bull team na this is a new chapter. Usapan na ang start ng new team. We started a win and we looked na ang pag-lis ni Junthy ‘di setback. Since 2001 nawawalan kami ng franchise player, the outlook is to start of a new chapter of the team,” litanya ni Barakos coach Yeng Guiao sa Araneta Coliseum.
Topscorer si Baguio sa Barakos sa 27 points at si Alvarez ay may 15 na ang huling 10 ng dalawa’y ang nagsilbing panggitla ng tropa sa Giants na abante pa sa 92-88 sa 1:43 ng final canto.
May 22 markers at 16 rebounds si Adam Parada sa pakikipagsabayan sa counterpart import na si Darius Rice na nabigong pasanin ang Giants sa kanyang 31 points at baba nito sa limang tropang magkakatabla sa pang-apat na pwesto sa markang 2.2.
Pinahaba pa ng Alaska Milk ang bangungot ng Welcoat Paints nang makaungos din, 92-90 sa pampalabok na sultada para rin sa 2-2 mark din ng Aces.
|