| RED BULL 98, PUREFOODS 96 |
| Magarang binuksan ng Red Bull ang panibagong kabanata ng prangkisa na wala na ang pinakahuling itinuturing na lider na si Junthy Valenzuela. |
| ‘Kadaugan sa Mactan’ Manny as Lapu-Lapu, Jinkee bilang Bulakna |
| Kakaibang Manny Pacquiao ang matutunghayan sa Abril 27 sa Cebu. Mula sa imbitasyon nina Cebu Mayor Tomas Osmeña at Lapu-Lapu City Mayor Arturo Radaza, gagampanan ng world boxing champion ang papel ng bayaning si Lapu-Lapu, sa gaganaping pagsasadula bilang paggunita sa taunang “Kadaugan sa Mactan”. |
| Woods inoperahan |
| Sumailalim noong Martes si Tiger Woods ng arthroscopic surgery sa kanang tuhod para kumpunihin ang cartilage damage, pangalawa niyang operasyon sa tuhod sa loob ng limang taon at inaasahang liliban sa aksyon ng may isang buwan para magpagaling. |
| Batang Pier hihirit pa |
| Pagkaraang hablutin ang puwesto sa automatic semifinals, target naman ng Harbour Centre na matiyak ang pagtangan sa primerang posisyon kontra San Mig Coffee, samantalang krusyal na magtutuos ang Burger King at Noosa Shoes sa 2008 Philippine Basketball League Lipovitan Amino Sports Cup second round eliminations sa The Arena sa San Juan City ngayon. |
| Lakers dinomena ang West |
| LOS ANGELES (AP) --- Nahirapan man sa ginawang paghahabol sa standings, sulit naman ang hirap ng Los Angeles Lakers, nang hablutin ang Western Conference title, matapos ilampaso ang Sacramento Kings, 124-101. |
| From The Sidelines: Panahon na nga ba ng Liga Pilipinas? |
| Sa darating ng May 23 magsisimula ang isang bagong liga ng basketball na nangangakong magbibigay ng karapat-dapat na basketball excitement sa mga probi-probinsiya. At kasama sa excitement na ito ay ang hometown pride. |





