APRIL 17, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
In-love kay Fernan
Tita Nora
 

Dear Tita Nora,

Isa po akong stay-in maid. Tubong Leyte po ako at tatlong taon pa lang na napadpad dito sa Maynila. Nakatatlong amo na po ako hanggang sa maging amo ko si Fernan, na boyfriend ko rin ngayon.

Secret lang po na boyfriend ko siya kasi siguradong magagalit si ma’am.
May-asawa na po kasi siya, Tita.

Alam kong mali ang pinasok ko pero pumapayag po ako sa gusto niyang magtalik kami dahil in-love po ako kay Fernan. Sabi naman po niya ay mahal niya ako.

Lagi niya akong pinagsasabihang huwag na huwag magpapahalata sa asawa niya, kundi ay may masama daw na mangyayari sa akin. Kinabahan po ako noong unang marinig ko iyon sa kanya pero nawawala po iyon ‘pag sobrang sweet niya sa akin ‘pag nasosolo niya ako. Pero ‘pag nandiyan na po si ma’am, para akong may sakit na hindi niya malapitan.

Tita Nora, ano po ang gagawin ko. Gusto niya la­ging mag-sex kami ‘pag kami lang. Paano kung mahuli kami ni ma’am. Hindi ko po alam ang gagawin ko.

Pangga

Dear Pangga,

Eh tinamaan din naman pala ng magaling ‘yang Fernan na iyan eh. Sa pagbabanta niya’t tratong iyan sa iyo ay malinaw pa sa sikat ng araw na ginagawa ka lang niyang parausan.

Huwag mong hayaang malason ang isip mo sa buladas niya’t panroromansa. Alam mo na ngang may-asawa siya’t pinagbabantaan ka pa’y sumisige ka pa. Kung tutuusin nga’y puwede mo siyang i-report o ibisto sa misis niya nang matigil na iyang kamanyakan niya.

Gustuhin man ng amo mong masipingan ka kung talagang ayaw mo, tingin ko’y hindi siya magtatagumpay, iha. Kung tutuusin kasi’y marami kang opsyon para makaiwas sa kanya. Halimbawa na rito ang pag-alis at pagtigil na sa paninilbihan sa kanila. Eh ang kaso’y gusto mo rin. Aber, paano nga kung mabisto ka ng ma’am mo! Palagay mo ba’y ipagla­laban ka niya gayung ngayon pa lang ay isinasalba na niya ang sarili niya at iniiwasan ka pa ‘pag andiyan ang kumander niya?

Masarap lang iyan sa umpisa, Pangga pero ‘pag nagkabukingan na, maniwala ka iha, mas matinding problema iyan lalo na ‘pag nabuntis ka.

Kaya ngayon pa lang ay idilat mo na ang isip mo’t mga mata.

Good luck and God bless you.

Love,

Tita Nora

 

Microsoft Internet Explorer 7