Kasunod ng pagkakabura ng Tuberculosis (TB) sa 10 nangungunang dahilan ng pagkakasakit at pagkamatay ng mga residente ng lungsod, nanawagan si Makati Mayor Jejomar Binay sa lahat ng barangay captains na paigtingin ang kanilang suporta sa citywide anti-TB campaign ng pamahalaang lungsod.
Ani Binay, dahil ang barangay leaders ang nasa mainam na posisyon upang hanapin at kilalanin ang mga pasyenteng may TB sa kanilang nasasakupan, mahalaga umano ang kanilang tungkulin sa pagsawata o pagpigil sa pagkalat ng nabanggit na sakit.
“We have already made significant progress in controlling TB in our city, and we are counting on our barangay chiefs to help us sustain or even exceed this initial feat. After all they have the added advantage of direct access to their respective constituents, which makes it easier for them to reach out to TB victims and their families,” ani Binay.
Kaugnay nito, hinikayat ni Binay ang Liga ng mga Barangay of Makati, sa pamamagitan ng presidente nitong si Councilor Romulo Peña Jr., na tumulong na ipaalam sa mga residente ng barangay ang tungkol sa pagkakaroon ng libreng gamutan sa TB sa lahat ng 27 barangay health centers sa lungsod, at agad na i-refer ang mga may sakit sa pinakamalapit na health center.
|