APRIL 17, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
PUNO SA LGUs: LPCCs, BUHAYIN PARA BANTAY SA PRESYO NG BIGAS
 

Nanawagan si Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno sa mga local chief executives sa bansa na bumuo o buhayin ang kani-kanilang local price coordinating councils (LPCCs) upang makatulong na i-check ang anumang posibleng pagdaragdag sa presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin sa harap ng pabagu-bagong presyo ng petrolyo at pagkain sa pandaigdigang pamilihan.

Sa memorandum circular na inisyu sa lahat ng provincial governors at city at municipal ma­yors, binigyang puntos ni Puno na makakatulong ang LPCCs na protekta­han ang mga consumer laban sa mga hoarders at iba pang traders na sasamantalahin ang kasalukuyang problema sa bigas na itaas ng labis ang halaga ng mga pangunahing bilihin.

“All local chief exe­cutives are strongly encouraged to activate their LPCCs or to organize the said Councils where there are none, for consumer protection purposes, and for a more purposive and sustained monitoring of selected prime commodities,” ani Puno sa kanyang circular.

Bukod sa pagbuhay o pagbuo ng kani-kanilang LPCCs, hinikayat din ni Puno ang mga lokal na opisyal na gawin ang mga sumusunod: Magsagawa ng regular na inspeksyon sa mga rice warehouse, pampublikong palengke at iba pang retail outlet; magtatag ng consumer complaints desks, consumer hotlines at timbangan ng bayan; magtalaga ng barangay officials at non-government organizations na siyang magmo-monitor sa abnormal price increase; at aktibong makipag-ugnayan sa ibang ahensya ng gobyerno upang maiwasan ang hoarding o pagtatago ng bigas at hindi makatwirang pagtataas ng presyo nito maging ng iba pang pangunahing bilihin.

 

Microsoft Internet Explorer 7