APRIL 17, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
Dagdag benepisyo sa manggagawa
Rey Marfil
 

Maliban sa wage hike, kinalampag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson si Pangu­long Gloria Macapagal-Arroyo sa pagbibigay ng karagdagang benipisyo sa mga manggagawa sa priba­dong sektor.

Ayon kay Lacson, dapat pagkalooban ng non-wage benefits ang mga manggagawa mula sa pribadong sektor, hindi lamang ang mga kawani ng gobyerno.

Bagama’t ikinatuwa ni Lacson ang direktiba ni Mrs. Arroyo sa Regional Wage Board (RWB) na pag-aralan ang karagdagang umento, kailangan pa rin aniyang isipin ang non-wage benefits ng mga ito.

Makatwiran lamang itaas ang sahod ng mga manggagawa, ayon kay Lacson, ngayong patuloy tumataas ang presyo ng mga pa­ngunahing bilihin kasama na ang bigas.

Napakahalagang tulu­ngan ng gobyerno ang mga manggagawa sa pang-araw-araw na panga­ngailangan lalo pa’t tumaas ang bilihin.

Habang si Sen. Loren Legarda, inirason na matagal nang overdue ang umento sa sweldo ng mga manggagawa lalo pa’t marami ang nabubuhay sa hala­gang P32 lang kada araw.

“The bottom line is that the men and women comprising our labor force must be provided tangible, wage and non-wage benefits now if they are to adequately feed their families in line with every worker’s right to a living wage,” ani Legarda.

 

Microsoft Internet Explorer 7