APRIL 17, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
OTHER NEWS
 
 
2 presidentiables nagkapareho ng press release
Rey Marfil

Sa harap ng pagpapabango ng imahe ng dala­wang presidentiables bilang preparasyon sa 2010 national election, kaagad nagpakita ng pagiging segurista ang isang PR group matapos pagkakitaan ang mga ito.

Nasaksihan ng TO­NITE Spy kung paano ‘raketin’ ng isang PR group ang ambisyon ng dalawang miyembro ng Upper House na maging tenant ng Malacañang at tagapagmana sa trono ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kaagad lumutang ang senaryong ‘naglalaro’ ang PR group sa dalawang presidentiable lalo pa’t malaki ang tsansang magsama sa isang tic­ket ang mga mokong, ma­ging ang senaryong tumakbong Vice President o balik-senador ang isa sa mga ito.

Dahil nauuso ngayon ang pasiklaban sa press releases bilang preparas­yon ng mga presidentiables sa 2010 election, lahat ng isyung may kinalaman sa rice crisis, ito’y ‘sinasakyan’ ng mga mamba­batas upang pabanguhin ang kanilang imahe sa mahihirap.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, aksidenteng nabisto ng mg kurimaw sa Upper House kung paano pinagkakakitaan ng isang PR group ang dalawang presidentiables matapos magkapareho ng statement o press release tungkol sa nakaambang rice crisis.

Ang nakakatawa sa lahat, halos sabay ding ibi­naba sa Media Center ang press release ng dalawang presidentiable kung saan magkapareho ang isyu at iisa rin ang laman, as in nagkaiba lamang sa letter head at telephone number ng opisina.
Clue: Balik-Senado si Presidentiable No. 1 kahit matalo sa 2010 national election, anuman ang takbuhang posisyon habang magpapahi­nga ng tatlong taon si Presidentiable No. 2 kapag minalas at nagkamali ng desisyon.

Kasalukuyang bumbandera sa television ang commercial ng dalawang mambabatas at parehong ‘Kapamil­ya’. Never mind kung sino ang PR group lalo pa’t matatakutin sa manyika at kara­yom. Higit sa lahat, wala namang puwesto sa gobyerno, maliban sa pagiging PR ng isang government financial institution.

 

Microsoft Internet Explorer 7