Pablind item ang kuwento sa akin ng isa sa mga source ko. Dahil sa pagkawala ni Cristy Fermin (she’s on leave at may show raw sa Canada) ay may magbabalik sa The Buzz ng ABS-CBN.
Ang clue ng source ko, madaldal ang celebrity na ito na magbabalik-The Buzz.
Si Kris Aquino? Sa mga dating taga-The Buzz kasi, si Tetay lang ang madaldal, huh!
Tsika ng isa pang kaibigan ko, baka si Gretchen Barretto.
Basta, hindi si John ‘Sweet’ Lapus na nasa kalabang programa.
Ayaw kumibo ng The Buzz bosses na sina Louie Andrada, Roxy Liquigan at Nancy Yabut tungkol sa naitsikang ito ng source ko, pero hindi rin sila nag-deny na may magbabalik-The Buzz.
Ang sey pa ni Louie, ‘power trio’ ang dating ng The Buzz sa Linggo dahil bagay na bagay magkasama sina Ruffa Gutierrez, Boy Abunda at ang magbabalik na celebrity na ito sa The Buzz.
***
Tsinika-tsika ko ang isang taga-Showbiz Central tungkol sa ‘power trio’ ng The Buzz at mukhang hindi sila naliligalig.
Palagi raw silang handa sa tapatan.
Matindi ang pananalig nila sa kanilang hosts na sina Raymond Gutierrez, John ‘Sweet’ Lapus at Pia Guanio plus Rufa Mae Quinto and DJ Mo Twister.
Noong Linggo ay panalo uli sa ratings ang Showbiz Central laban sa The Buzz.
Sa Linggo, tambak na naman ang exclusive stories ng Showbiz Central kaya confident sila.
***
Naisulat ko na rito noong isang araw na para walang problema, si Richard Gutierrez na mismo ang nagdesisyong iwanan ang SOP Rules.
Kahapon, may lumabas na tsismis sa isang pahayagan (hindi rito sa Abante TONITE) na tsinugi na si Richard sa SOP Rules, na isang MALAKING KASINUNGALINGAN!
Noong lumabas ang item ko tungkol sa desisyon ni Richard na umalis na sa SOP Rules ay isang executive ng GMA 7 ang nakausap ko at gusto niyang kausapin ang binata para ayusin ang mga hinampo nito sa staff ng Sunday musical variety show ng Siyete.
Gusto rin niya na maging maganda ang paglabas ni Richard sa show sa Linggo para sa farewell presentation ng Kamandag.
Maganda ang move ng executive na ‘yon na gusto niyang maayos ang anumang hinampo ng kanilang artista sa ilang staff.
Pero dahil sa lumabas na balita, baka lalong lumala ang gusot.
Anyway, nakausap ko ang sumulat ng tsismis na ‘yon at nangako ito na ire-retract ‘yon.
Wrong choice of word daw ang nagamit niya sa item na ‘yon.
***
Happy ako sa magandang resulta sa takilya ng Manay Po 2 Overload.
Kahit hindi ako naimbitahan sa presscon at premiere night ng Manay Po 2 Overload ay hindi ko pwedeng ikailang nakatutuwa ang pelikulang ‘yon ni Mother Lily Monteverde.
Bida roon ang kaibigan kong si Rufa Mae, si Joel Lamangan ang direktor at ang Regal Entertainment ang nagprodyus, kaya ayokong magtampo kahit hindi ako inimbitahan ng PR nila.
Mabait sa akin si Mother Lily at may mabasa lang ‘yan na magandang isinulat mo sa pelikula niya ay personal na siyang tumatawag para magpasalamat.
Dalangin ko na lalo pang lumakas sa takilya ang Manay Po 2 Overload.
***
Patuloy ang pakikipagsapalaran mamayang gabi ni Iza Calzado sa ESP.
Guests sina Antonio Aquitania, Marcus Madrigal at Maricel Morales sa episode nito mamayan.
***
For feedback, email junlalin@gmail.com