APRIL 17, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Aktor, puntirya ng BIR
Abu Tilamzik
 

Nai-raffle na pala ang kasong libel na isinampa nina Piolo Pascual at Sam Milby laban kina Lolit Solis at Veronica Samio sa Manila Regional Trial Court at napunta ito sa sala ni Judge Jose Mendoza ng Branch 55.

Pagkatapos ng raffle ay kaagad nag-isyu ng warrant of arrest kaya kahapon nang umaga ay nagpiyansa na si Manay Lolit at ang co-accused nitong si Tita Vero para hindi na sila abutin ng warrant.

Nakapagtataka, parang ang bilis ng mga pangyayari dahil ang dinig ko, wala pang natatanggap na resolution mula sa piskalya, meron na agad warrant of arrest pagkatapos ng raffle ng judge.

Mabuti’t naging ma­agap ang mga abugado nina Manay Lolit at Tita Vero, nakapaghanda agad sila ng piyansa kahapon nang umaga.
Kasabay ng pagpiyansa sa sala ni Judge Mendoza, nagsumite ang abugado ni Manay Lolit na si Atty. Noel Malaya ng Urgent Motion to Suspend All Proceedings and Quash Warrant of Arrest.

Nasa korte na ito kung iko-consider ang Motion pero kung hindi, magkakaroon na ng hearing na meron na ring schedule na Mayo 15.
Parang nagmamadali kaya nakapagtataka...

Muling sinasabi ni Manay Lolit sa mga interview na mabuti’t nagkita na at nagkausap na sila ni Johnny Manahan ng ABS-CBN Star Magic kaya okay na sa kanya iyun.

Naibalik daw ang friendship nila ni Mr. Manahan, kaya hindi na raw niya iniisip kung galit pa rin ba sa kanya sina Piolo at Sam.
Bahala na raw ang korte sa kasong iyun.

Ang isa pang ikinaloka niya, mga ganitong panahon din daw na bumabalik-balik siya ng Manila City Hall nung kainitan ng scam 14 na taon na ang nakararaan.
“Nandito na si Gabby, kapapanganak lang uli ni Nanette (Medved) at si Mayor Lim uli ang Mayor ng Maynila. Ano ba ‘yan?” tili uli ni Manay Lolit.

“Hindi ko yata matanggap na 61 na ako, si Verocina, 60 na, may kaso pa kaming hinaharap. Nakakaloka, ha!”

***

Sa kakukulit namin sa Genesis Inc, para makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa break-up nina Jericho Rosales at Heart Evangelista, nalaman tuloy naming hindi na sila ang nagma-manage kay Heart.

Nakausap uli namin ang handler ng dalawa, ang pagkakaalam daw niya ay winu-workout na magkaayos pero ayaw nang magdagdag pa ng impormasyon at baka ma-misquote pa raw siya.

Itinuro na lang kami sa Mommy ni Heart na nakausap namin agad pero ayaw rin niyang magkomento.

Ang pagkakaalam daw niya, hindi nag-break sina Jericho at Heart. Pero mabuting kay Heart na raw manggagaling ang sagot dahil kapag ganu’n na raw ka-personal ay hindi na niya pinapakialaman ang kanyang anak.

Sa ngayon ay ayaw raw muna ni Heart na magsalita tungkol sa isyung iyun. Naghihintay pa raw siya ng tamang panahon bago ito magbigay ng pahayag.

Lalabas at lalabas din ang katotohanan sa isyung ito lalo na kung magkukuwento uli itong mga nakakausap ni Heart na lasing na lasing daw sa Embassy kamakailan lang, dahil break na raw sila ni Jericho.

***

Katatapos lang ng filing ng Income Tax Return sa BIR.
Abangan na lang natin kung sino sa mga taga-showbiz ang may pinakamalaking ibinayad na tax at kung sino na naman ang umiwas sa pagbabayad.

Dahil sa mga nakasuhang artista, nag-iingat na ngayon ang marami at maagap na sa pagbaba­yad ng buwis.

Ilan sa mga nasagap kong balita sa BIR, naa­yos na raw ang kaso ng isang sikat na celebrity dahil sa amnesty. Ang isa namang kilala ring aktres ay hindi pa dahil sa problema raw nito sa abugado.

Ang mahalaga, hinaharap daw nila ang kaso at willing namang maki­pag-ayos.
Ang aabangan daw natin ay itong sikat na young actor na maaring makasuhan ng BIR kung hindi ito aayusin ng kanyang mother studio.

Matagal na raw itong nabigyan ng notice pero napakiusapan lang daw ng isang malaking kumpanya na ine-endorse nitong young actor, Kamakailan lang, napansin na naman ito ng BIR na maaring sampahan na ito ng kaso kung hindi pa rin ito aayusin ng kanyang mother studio na siya ring nagma-manage sa kanya.

Sana, mabasa niya ito para mapaghandaan na niya ang susunod na hakbang ng BIR.

 

Microsoft Internet Explorer 7