APRIL 17, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Marianna, nililimot si Cesar
 

Kasama ang Brazilian model na si Marianna del Rio sa seryeng Kapitan Boom at muli’y naungkat ang pagkaka-link niya kay Cesar Montano.
“I try to forget about it. I try not to think about it. It’s over,” say ng magandang dalaga.

Mas ininutuon ni Marianna ang pansin sa paghahasa ng kanyang pagta-Tagalog at kakayahan sa pag-arte.

***

Sa telefantasyang Joaquin Bordado ng GMA 7,  malalaman ni Miguel/Jerome (Ian Veneracion) na nanggulo kamakailan si Joaquin (Robin Padilla) sa bahay nila.
Lilipat ng bahay sina Jerome at Carol/Sofia (Iza Calzado). Matunton pa kaya sila ni Joquin?

***

Sa teledramang Babangon Ako’t Dudurugin Kita, makatatanggap ng tawag si Derek (JC de Vera). Hawak ng mga kidnaper si Joey (LJ Reyes).

Patuloy naman ang pagnanais ni Via (Angelika de la Cruz) na mapadali na ang kasal nila ni Alfred (Marvin Agustin).

Paano madidispatsa si Salve (Yasmien Kurdi)?

***

May concert si Sarah Geronimo bukas (Biyernes) nang gabi sa Lagao Gymnasium ng General Santos City.

Panauhin niya rito si Mark Bautista.

***

Ipagdiriwang ng Lips Bar (152 Aurora Blvd. cor. G. Reyes St., San Juan, MM) ang ikaanim nitong anibersaryo ngayong weekend.

Bukas (Biyernes) ang grand finals ng modeling contest ni Jun Noya na Notary Boys, samantalang sa Sabado ang third weekly finals ng Tropical Bodies Year 2 na dinidirek ni Gilbert Rivera.

 

Microsoft Internet Explorer 7