APRIL 17, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Kapitan Boom... Kapitan Bukol!
JDO
 

The Greatest Superhero Movie Of All Time! (Not Counting All The Others.)
Iyan ang tagline ng Superhero Movie, na palabas na sa mga sinehan sa kapuluan.

Pangunahing ini-spoof nito ang mga pelikulang Spider-Man, Batman at Fantastic Four.

Bida rito si Drake Bell bilang Rick Riker na nakagat ng isang tutubi at nakilala bilang superhero na si ‘The Dragonfly.’
Pangunahing kalaban niya rito si Lou Landers aka Hourglass (ginampanan ni Christopher McDonald).

***

Sasabog na!
O dapat bang sabihin, sasablay na?!
Magsisimula sa Abril 26 sa ABS-CBN ang seryeng Kapitan Boom.
Bida rito si Jay-R Siaboc bilang Lance, binatang ‘hari ng sablay.’
Alter-ego ni Lance ang super-hero na si Kapitan Boom (ginagampanan ni Jon Avila), na super-sablay.

Bidang babae rito si Maja Salvador bilang Melody – ayaw na ayaw ang hahabul-habol sa kanya na si Lance, pero gustung-gusto si Kapitan Boom.
Ikatlong pagtatambal ito nina Maja at Jay-R sa TV series.

Ayon sa young actress, “Nag-drama kami sa Pangarap Na Bituin. Nag-horror sa Patayin Sa Sindak si Barbara. This time, fantasy naman sa Kapitan Boom.”
“Habol pa rin ako nang habol sa kanya,” say ni Jay-R.

Lahad ni Maja, “Para pa rin kaming aso’t pusa. Parang ‘yung tandem daw po noon nina Maricel (Soriano) at William (Martinez).”

***

Takaw-pansin ang bukol ni Jon Avila.

Dugong-banyaga si Jon, at usap-usapan noon pa ang kanyang kadakilaan.
Bilang Kapitan Boom ay pwedeng tawagin si Jon na ‘Kapitan Bukol.’

Aba! May tsika rin na dakila rin ang bukol ni Jay-R Siaboc, huh?!

Pero kaninong bukol kaya ang mas malaki, ha, Kane Errol Choa?

Hindi kaya ang bukol ni Thou Reyes na gumaganap bilang best friend ni Lance?!

***

Hindi nakasama si Jon Avila sa BIG 4 ng PBB Celebrity Edition 2.
Pero heto ngayon at meron siyang BIG break.

“This is a very BIG thing for me,” say ni Jon. “Isa ito sa PINAKAMALAKING bagay sa buhay ko. BIG role. BIG responsibility.

“I’m very grateful sa ABS-CBN, kay Sir Deo at Star Magic for this BIG opportunity. I want to prove myself, that I can handle a role like this.”

Naku, BIG talaga siya!!!

***

Say ng malambing na si Jun Nardo, Bossa Night bukas (Abril 18, Biyernes) sa Zirkoh Greenhills tampok ang bossa diva na si Sitti.
Panauhin dito ang hilarious na si Ricci Chan,

Para sa mga detalye, mag-text sa cell# 0918-407-4172, 0915-781-0739.

 

Microsoft Internet Explorer 7