APRIL 17, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Silver cleaner nilagok
Lily Reyes
 

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng nakakalasong kemikal ang 45-anyos na may cancer kahapon sa Navotas City.

Nakahandusay sa sahig at wala ng buhay nang matagpuan sa tirahan ang isang maysakit na cancer na si Edgardo Sarmiento, 45, ng 575 Pescador St., Bangkulasi, Navotas City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rande Andres Adora, alas-tres ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima ng kanyang anak na si Shiela Marie Sarmiento na wala nang buhay.

Ayon pa salaysay ni Shiela Marie, bago ang insidente ay nakita pa niya ang kanyang ama na hawak ang silver cleaner.

Lingid sa kaalaman ng anak ay ito na pala ang gagamitin sa kanyang pagpapakamatay.

Lumilitaw sa imbestigasyon na dati na umano itong dinala sa Tondo Medical Center dahil na rin sa sakit na nararanasan nito bunga ng pagkakaroon ng lung cancer.

 

Microsoft Internet Explorer 7