APRIL 17, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Mag-ina nakaladkad ng dump truck
Aries Cano
 

Kapwa nasugatan ang isang mag-ina matapos umanong masagi ng isang dump truck sa Maynila kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan nilapatan ng kaukulang lunas ang mga tinamong pinsala ng mga biktimang sina Recta Pimentel, nasa hustong gulang at ang isang taong gulang nitong anak na nakilala namang si Letlet.

Nakilala naman ang driver ng dump truck na si Jaime Mendoza.
Sa pagsisiyasat ni SPO2 Rizalino B. Intal ng MPD-Traffic Enforcement Unit, alas-nuwebe ng gabi ng mangyari ang insidente sa New Panaderos St., Sta. Ana, Maynila.

Karga pa umano ni Recta ang anak nitong Letlet at naglalakad ng masagi ng dump truck (GDE-734) na minamaneho ni Mendoza.

Matapos ang insidente agad naman na isinugod sa pagamutan ang mag-ina habang ang trak drayber ay iniimbestigahan naman at dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

 

Microsoft Internet Explorer 7