Nasugatan ang isang sidecar boy matapos umanong makabanggaan ang isang taxi sa Maynila.
Dinala sa pagamutan ang nasaktang sidecar boy na si Alberto Lucanas.
Sa ulat, pasado alas-otso ng gabi ng makabanggaan umano ni Lucanas ang taksing (Sturdy/Toyota Corolla na puti at may plakang TWG-366) na minamaneho naman ni Marcelino G. Liberato.
Nangyari umano ang insidente sa P. Casal St., at kanto ng Carlos Palanca St., Maynila.
Dala ng puwersa ng pagkakabangga bukod sa nasugatan na ang pedicab driver ay nasira rin ang ipinampapasada nitong de-padyak.
|