APRIL 17, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Umatake sa mini-grocery, huli
Irwin Corpuz
 

Naaresto ng pulisya ang lalakeng labas-masok sa kulungan matapos mangholdap sa isang mini-grocery kahapon sa Marikina City.

Ang naarestong suspek makaraang holdapin ang mini-grocery sa Kabayan Road, Bgy. Malanday, Marikina City, na pag-aari ng negosyanteng si Marife Rabara, 37, ay nakila­lang si Michael Cabacang alyas Lupin, 31, na mi­yembro ng Sputnik Gang at residente ng Purok 6, Bgy. Malanday, Marikina City.

Base sa pagsisiyasat ng Marikina City Police Investigation Unit na pinangangasiwaan ni Chief Insp. Earl Castillo, bago nangholdap ang suspek ay tumambay ito sa tindahang malapit sa grocery dahil marami pang namimili at pagsapit ng alas-8:30 ng umaga ay nagkaroon na ito ng tsansa dahil wala nang customer sa loob ng mini-grocery kung kaya mabilis nitong pinasok at tinutukan ng kalibre .38 ang may-ari ng grocery at sinamsam ang pera sa cashier machine na umaabot umano sa P20,000 bago umeskapo.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, ang suspek ay natukoy base sa testimonya ng ilang testigo, dahilan upang arestuhin ito ng mga awtoridad.

 

Microsoft Internet Explorer 7