APRIL 17, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
CRIME NEWS
 
Bilyong halaga ng shabu at marijuana sinunog
Lily Reyes
 

Tinatayang bilyun-bil­yong halaga ng mga droga at sangkap nito na nakumpiska sa mga drug ope­ration laban sa mga sindikato ng illegal drugs ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon sa itinalagang incinerator ng isang kumpanya sa Cavite City.

Umabot sa kabuuang 2.4 tonelada ng mga nakumpiskang illegal drugs na may katumbas ng ha­lagang P10.152.5 bil­yon sa DDB market value ang sinunog sa pangunguna nina Sr. Usec. Dio­nisio R. Santiago, PDEA Director General at DDB Chairman Sec. Anselmo S. Avenido Jr.

Mismong sina Santiago at Avenido ang nanguna sa paglalagay ng mga kumpiskadong droga sa malaking incinerator ng Integrated Waste Management.
Ang mga nakumpiskang mga droga at kemikal ay kabilang sa mga nasamsam sa operasyon ng pinagsanib na puwersa ng lokal na pulisya at PDEA sa Pilar, Bataan at Cebu, habang ang ilan ay nai-turn over sa ahensiya mula sa kustodiya ng PNP Crime laboratory at iba’t ibang korte.

Kabilang din sa sinunog ang bilyong pisong halaga ng ephedrine, isang sangkap sa paggawa ng shabu at milyong halaga ng shabu at marijuana.

 

Microsoft Internet Explorer 7