Dala marahil umano ng matinding pangamba hinggil sa usapin ukol sa pagkakaroon ng krisis sa bigas, sa halip na bakal at iba pang bagay ang tangayin minabuti ng isang 25-anyos na lalaking walang hanapbuhay na hinihinalang galamay din ng grupong binansagang ‘jumper boys’ na mangharbat ng sako ng bigas mula sa delivery truck ng National Food Authority (NFA) sa Maynila.
 |
Laglag --- Iniimbestigahan ni P/Supt. Rogelio ‘Jojo’ Rosales sina Michael Torres, Mark Villanueva at Manuel Tolentino na naaresto sa buy-bust operation sa Malate, Maynila kahapon sa pangunguna ni SPO1 Erick Zshornack ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Unit (SAID-SOTU) ng Manila Police District Station 5. (Devery Mark Alegata)
|
Nahaharap sa kasong theft at nakapiit ang suspek na nakilalang si Ryan C. Gerango, may-asawa, taga-562 Delpan St., Binondo, Maynila.
Sa ulat ng MPD-Station 7, bandang alas-5:40 ng hapon nang tangayin umano ng suspek ang sako ng bigas na nakakarga sa sasakyan na minamaneho ni Rodolfo C. Delos Santos, 42-anyos, deliveryman ng NFA.
Nakakuha umano ng tiyempo ang suspek ng bahagyang bumagal ang takbo ng sasakyan ni Delos Santos pagsapit sa Batangas St., at kanto ng Jose Abad Santos Avenue sa Tondo.
Maagap naman na natimbog ang suspek ng mga nagpapatrulyang operatiba ng Manila Police District na lulan ng mobile car 3703.
|