APRIL 15, 2013 MONDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
APRIL 14, 2013
As of 2:30 pm
U. States 41.3000
Bahrain Dinar 109.549
Can Dollar 40.7499
Euro 54.1604
Aus Dollar 43.3795
HK Dollar 5.32076
Japan Yen 0.419822
Saudi Riyal 11.0148
S’pore Dollar 33.4021
Taiwan Dollar 1.37827
UAE Dirham 11.2451
UK Pound 63.3748
 
Custom Search
Gahaman
KAI PASTORES

May nakita ako sa Facebook na impormasyong nakuha ng University of the Philippines tungkol sa political dynasty sa Pilipinas.

Ayon dito, sa 15 milyong pamilya sa ating bansa, 250 na pamilya lamang ang may hawak ng kapangyarihan. At sa 80 na probinsya sa Pilipinas, 73 ang may political dynasty.

Ito ang nangyayari kahit na ipinagbabawal ng ating Konstitusyon ang political dynasty. Walang maipasang batas na talagang magbabawal sa mga dynasty. Ngunit ano pa nga ba ang maaasahan natin kung sa halos lahat ng sulok ng bansa ay may dynasty?

Sa pangkalahatan, tutol din ako sa political dynasty. Pero alam ko rin na sa ibang kaso, minsan ang kamag-anak na lang talaga ng isang pulitiko ang pinakamahusay o ang may lakas ng loob na lumaban sa isa pang mas malakas na dynasty. Bihira ngunit nangyayari talaga, lalo na kung maraming takot sa naghaharing pamilya dahil pinapatay o pinahihirapan ang sinumang lumaban sa kanila. Kaya hirap din akong gumawa ng pormal na depinis­yon sa isang political dynasty.

Ang ayaw ko ay 'yung obvious na gustong sakupin ang isang lugar o probinsya. Kilala niyo sila, sila 'yung sama-sama sa mga epal tarps nila ng "kanilang" proyekto. Minsan mag-asawang mayor at vice mayor, tapos konsehal o SK ang anak, tapos tiyuhin nila ang gobernador, tapos si lolo, congressman naman.

Mayroon din namang si misis ang papalit sa pagka-gobernador habang ang anak ay tatakbong mayor sa isang siyudad na hindi niya pinanggalingan as in ngayon lang siya naglipat ng voter's registration dahil lang gusto nilang palawakin ang kanilang impluwensya sa probinsya.

O 'di kaya'y patatakbuhin ang mga anak o pamangkin o kung sino mang madaling utusan na kamag-anak kahit na hindi swak ang kaalaman niya tungkol sa posisyong tinatakbuhan niya.

May nakita rin ako sa mga sample ballots sa website ng Comelec, aba, halos lahat ng posisyon, may tumatakbong magkakaapelyido. Magkalaban pa sila sa isang posisyon.

Ano kayo, gahaman sa kapangyarihan? Sa pera? Sa posisyon? O talagang likas na gahaman lang talaga kayo?

Bukod sa sabay-sabay silang magkakamag-anak na tumatakbo, marami rin 'yung hindi pa pinapanganak, mga magulang ng mga college students ngayon, nasa kapangyarihan na. Hindi maka-let go at hindi maka-move on. Iniisip ba nila na kapag hindi na sila ang nakaposisyon, mamamatay na ang angkan?

Nakakalungkot na dumating tayo sa ganitong sitwasyon. Sa isang banda, may kasalanan din tayong mamboboto dahil kadalasan, ang ibinoboto natin ay 'yung mga apelyidong madaling tandaan ang mga apelyido ng mga dynasty. Eh sa dami at tagal ba naman nila sa posisyon at sa dami ng mga tarps nila, ewan ko na lang kung hindi mo pa sila maalala!

Sana ngayong eleksyon ay maging mas mabusisi tayo sa mga iboboto natin. Hindi 'yung porke't naaalala mo ang apelyido ay 'yun na ang iboboto.

Huwag nating hintayin na sa bawat probinsya natin, isang pamilya na lang ang may kontrol ng pulitika. Huwag na nating iboto ang mga gahaman.

Para sa inyong mga komento, mag-text lamang sa 0919-9575444 o mag-email sa unlimahinasyon@gmail.com.

HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION